Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo Ballesteros, nagpapapansin? Die Beautiful, wala pang kasunod

MAY showbiz personalities na parang ayaw magkaroon ng private life. Gusto nila ‘yung laging nakabuyangyang ang buhay nila sa madla. May mga puwede naman silang ilihim, pero ayaw nila ng ganoon. At para makatipid at hindi na nila kailangang magbayad ng publicist, post na lang sila ng post ng pictures nila, pati na ang mga sentimyento nila.

Iwino-word nila ang mga sentimyento nila sa paraang nakaiintriga. At kami namang press people, pick up lang nang pick up ng mga kakuwanan nila. Laman-tiyan din ‘yon ng mga dyaryo, websites, at blogs.

Isa sa showbiz personalities na mukhang magiging expert sa self-promotion at self-publicity ay si Paolo Ballesteros.

Pinakagat n’ya ng pinakagat ang madla sa mga nagpapa-mysterious na Instagram pics nila ng boyfriend n’yang si Ronald Ochoa Anog. Sa umpisa, hindi n’ya muna ipinakita ang mukha ni Ronald at ‘di rin n’ya sinasabi ang pangalan nito—kahit ang dami naman palang alam na ang pangalan niyong guy at kung ano ang trabaho nito: dancer. Mga identical tattoo sa mga braso nila at identical rings lang nila ang ipinakikita.

Pero bago nga mabuwisit ang madla sa pagpapamisteryosa ng bading, biglang ibinuyangyang na n’ya sa Instagram ang mukha ni Ronald. Kung ano-anong pa-romantic poses nilang mag-jowa ang ipinapaskil n’ya sa Instagram. In a few days, biglang nag-date na sila sa Boracay. Another round of pics na parang in love na in love na sila sa isa’t isa.

A few days, biglang ipinaramdam ni Paolo na tapos na ang romansa nila. Nag-post siya ng picture nila na magkasama pero ang caption ay: “That’s it pancit.” ‘Yung lalaki naman ay nag-post din ng pic nila together na ang caption naman ay: “Thanks for the memories.”

May tsismis na kaya nandidiri si Paolo kay Ronald eh dahil nakabuntis ito ng babae. Tsismis pa lang po ‘yon, dahil kasalukuyan ngang nagpapa-mysterious pa rin ang Eat Bulaga comedian tungkol sa lovelife n’ya.

May mga nagsasabi namang nagpapapansin lang talaga sa madla at sa mga producer ang napakaguwapong bading dahil hanggang ngayon ay wala pang kasunod ang pelikula n’yang Die Beautiful.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …