Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie, pinaratangang ginapang ang Darna para sa alagang si Liza

KOMPIRMADONG si Liza Soberano na ang gaganap na Darna sa bagong henerasyon. Inintriga sa social media ang kanyang talent manager at actor ng Home Sweetie Home na si Ogie Diaz.

“Ginapang ko raw ‘yung ‘Darna’ para mapunta kay Liza Soberano.

Sorry po, hindi naman ako ganoon ka-powerful para manggapang ng project para sa alaga ko.

Eh, kung nakuha lang pala sa gapangan yang Darna eh di sana, nabalitaan nyo na rin na ako ang gaganap na Ding,” post ni Ogie sa kanyang Facebook account.

May isa pang post si Ogie:

“Ayan na ang Bagong Darna!

Congrats, anak!

Yang mga magazine na yan, bigay sa kanya ni Angel Locsin. Ibig sabihin, gusto ni Angel si Liza gumanap na Darna.

“Di pa po kami uli nagkikita. Pero pag nakita ko po siya, i will thank her po for the opportunity and these Darna komiks.”

“Nakakalokah! After the announcement, biglang umikot ang tiyan ni Liza, hahahah!

“Sa excitement at sa pressure po siguro.”

“Ako naman that time, siguro, dahil na rin sa excitement at sa pressure….”

“I’m so happy na finally, in-announce na ang gaganap na Darna. At isang challenge ito kay Liza,” reaksiyon pa ni Ogie.

Sabi naman ni Liza sa panayam ng TV Patrol.

“Yes it’s confirmed, tinatanggap ko na po ang role na Darna,

”Sobrang na-excite po ako and siyempre I’m happy and I feel really honored to be able to don the iconic costume and to be able to embody what Darna represents.”

Magiging abala na si Liza sa pagte-train sa pagiging Darna.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …