Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, never naging gaya-gaya kay Nadine

UNFAIR kay Kathryn Bernardo na mabansagang gaya-gaya kay Nadine Lustre just because nagtayo ng kanyang sariling nail salon ang una.

Yes, si Kat ang proprietress ng KathNails na pinasinayaan kamakailan. Paano siya magiging gaya-gaya samantalang endorser lang naman si Nadine ng nail salon na ang original image model na kinuha ng may-ari nito ay si Liza Soberano?

Kung tama ang aming pagkakatanda, third quarter ng 2015 nang kunin si Liza ng isang bagong nail salon bilang endorser. Nang hindi na nito ini-renew ang kontrata ng young actress ay si Nadine ang kinuha nila.

Sa kaso ni Kat, hindi lang siya endorder ng KathNails (katunog ng KathNiel loveteam nila ni Daniel Padilla), siya lang naman ang may-ari nito na open sa mga gustong mag-franchise.

Klaro?

RUFFA, NAMUMUTOK
ANG KATAWAN

060117 Ruffa Raymond Gutierrez

KABALIGTARAN ngayon ang Hitsura ng magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez.

Isang imposing billboard sa may Edsa ang nakabalandra na ipinakikita ang laki ng nawalang timbang kay Raymond (Richard’s twin brother). Exact opposite naman ‘yon ng pigura ni Ruffa.

Sa ilang beses kasi naming pagtutok sa segment na Jackpot en Poy sa Eat Bulaga ay referee ang role ni Ruffa sa mga magkakalaban. Bagamat walang dudang pagkaganda-ganda pa rin ni Ruffa (na mas pinatingkad pa ng kanyang makeup) ay halatang namumutok ang kanyang katawan.

Maybe Ruffa should take a cue from Raymond kung paano ang ginawa nitong pagpapayat. Between Ruffa and Raymond ay mas may career ang una, marapat lang na magkaroon ito ng diet regimen to keep her in shape.

Kahit kasi itim na ang kulay ng outfit ni Ruffa sa Eat Bulaga, hindi maitago nito ang kanyang “matronly figure.”

HOT, AW!Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …