Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktres, idinaramay ang mga kasambahay sa pagdidiyeta

KUNG ang isang amo ba’y nagpapa-sexy sa pamamagitan ng pagda-diet, makatarungan bang idamay nito ang kanyang mga kasambahay?

Ito ang himutok ng mga kasama sa bahay ng isang ‘di na gaanong aktibong aktres na may sinusunod ngang diet regimen pero tulad ng kanyang ginagawang pagpapagutom ay idinaramay niya ang mga ito.

Kuwento ng isa sa kanila, “Naku, si ma’am, imbiyernang-imbiyerna kapag naamoy niya ‘yung piniprito naming isda! Kesyo malansa raw ang amoy, kesyo mausok sa kusina…eh, anong gusto niyang kainin namin, ‘yun ding kinakain niya sa pagdidiyeta niya?”

Hindi naman anila makatwiran ang gustong mangyari ng kanilang amo. Saan daw sila kukuha ng enerhiya sa maghapong pagtatrabaho sa bahay kung ang kakainin nila ay puro mga kung ano-anong dahon, kapirasong isda at walang kanin?

“Si ma’am, afford niyang mag-diet na ganoon lang ang kinakain dahil wala naman siyang ginagawa sa bahay. Taga-utos lang siya sa amin, eh, kaming napapagod ang katawan, ‘yun lang ang ipakakain niya sa amin?”

Da who ang aktres na bida sa kuwentong ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Marilen Balboa.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …