Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-amang Lito at Mark, first time magkakatrabaho (Fight scene nina Coco at Arjo, pinuri ng netizens)

FIRST time magkakasama sa teleserye ang mag-amang Lito Lapid at Mark sa bagong yugto ng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Matagal ding hindi napapanood si Mark kaya marami ang nanabik sa kanya na muling mapanood.

Nang minsang makausap namin si Mark sa isang pagtitipon sa kanilang bahay sa Porac, Pampanga, sinabi niyang mahirap palang talikuran ang showbiz.

Kaya naman hindi na niya pinalampas pa nang alukin siya na lumabas sa nangungunang TV series mula sa ABS-CBN.

Fight scene nina Coco at Arjo, pinuri ng netizens

ENDLESS fight ang ipinakita nina Coco Martin at Arjo Atayde na akala mo ay walang katapusan awayan. Bumagsik pareho ang kani-kanilang hitsura lalo na si Arjo Atayde (Joaquin) nang magkaroon ng balbas.

Pinuri ng publiko ang fight scenes ng dalawa na talaga namang hindi matatawaran ang turong ibinigay sa kanila ng fight instructor nilang si Direk Val Iglesia na isa ring produkto ng Escolta Days tulad ni Direk Toto Natividad.

Malaki ang ipinagbago ng acting ni Coco. Malalim at kahawig na ang kilos niya kay dating Fernando Poe Jr..

Sabi nga ng marami, baka sumanib na si FPJ sa katawan ni Coco.

SHOWBIGVir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …