NAPAKASUWERTE ni Aljur Abrenica dahil hindi siya kinukulit ni Kylie Padillana pakasalan kahit magkaka-baby na sila. Nasa pitong buwan na ang baby na nasa sinapupunan ni Kylie.
Bagamat ang gusto ni Robin Padilla (ama ni Kylie) ay magpakasal na ang anak bago lumabas ang bata, mas gusto naman ni Kylie na hindi madaliin ito. Gusto niya ay naglalakad na ang baby nila at maging ring bearer.
Ayaw niya ‘yung magpapakasal sila ni Aljur dahil napi-pressure lang sila. Basta wish lang niya na may dalang ‘peace’ at pagkakaisa ang baby nila para sa kanilang pamilya.
Talbog!
WCOPA winner Julia Banda, seryoso sa pagre-record ng album
SERYOSO na sa pagpasok sa recording industry ni Julia Banda. Naging champion siya sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) noong 2014. Apat na gold para sa Pop, Rock, Gospel and Open music categories at isang silver medal para sa Broadway performance.
Interesting ang rebelasyon ni Julia na gusto niyang mapakinggan sana siya ng mga magulang niya sa kanyang launching pero hindi puwede dahil parehong bingi at pipi ang mga ito. Nagkakilala ang parents niya sa school ng mute at deaf.
Pero nagpapasalamat pa rin siya dahil nararamdaman niya ang suporta ng mga magulang niya pagdating sa hilig niya sa musika. Nagkakaroon sila ng communication dahil sa sign language.
Nineteen years old na ngayon si Julia. Sa loob ng taxi siya isinilang habang papunta na sa ospital. Nagsimula siyang kumanta at the age of 4. Ang paborito niyang singer noong panahong ‘yun ay si Britney Spears.
Gusto niya ang estilo sa pagkanta nina Jaya at Jona. Sila ang mga iniidolo niya.
Naniniwala si Julia na magkakaroon ng direksiyon ang kanyang singing career.
“I expect that there would be much more rigorous process to follow now, compared to how my singing was handled before. The work and the demand would be very much different, but I believe that I’d be able to go through them well since I now have people to properly guide me.”
Talbog!
ni ROLDAN CASTRO