Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Jemina Sy, nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa pelikulang Bubog

NAGPAPASALAMAT ang lady lawyer/aktres na si Jemina Sy sa success ng VIP screening ng pelikula nilang Bubog (Crsytal) ni Direk Arlyn dela Cruz na ginanap sa Fisher Mall last May 25. Punong-puno ang pinagdausan nito, kaya ang ibang manonood ay sa aisle at sa handan na lang umupo.

Ang ilan sa mga kilalang celebrity at government official na namataan namin sa Fisher Mall that night ay sina Pen Medina, Annabelle Rama, Atty. Persida Acosta, Kara Mitzki, Akihiro Blanco,SBMA chairman Martin Diño, at marami pang iba.

Happy rin si Atty. Jemina sa positive na reactions ng moviegoers sa pagiging kikay niya sa pelikula. Natural daw kasi ang dating niya at parang hindi baguhan. “Kasi, ibinagay naman talaga ni Direk Arlyn yung role sa personality ko rin, yung kaya kong gawin talaga. Inalagaan niya ako talaga, kumbaga. Kahit nga parang nabubulol ako, okay lang kay Direk. Mas natural daw dahil addict na pusher/police asset ang papel ko naman daw sa movie,” aniya.

Tila ganado at game na game ka sa pagiging kikay sa movie na pati sa unang scene pa lang ay nakabukaka ka habang naka-upo?

Nakatawang sagot niya, “Kung isulat ng iba na bukaka queen ako? Puwede naman, joke! Hahahaha. Role lang naman ‘no, hahaha! Iyon kasi ang role ko, kasama sa eksena talaga iyon. Okay naman ang response ng mga nakapanood, maganda naman yung response. At cute naman daw ako sa movie, sabi nila, chos hahaha!”

Balak nyo bang isali ang Bubog sa filmfest sa abroad? “Yes of course, balak naming itong isali sa mga filmfest sa abroad. A few days aho ay nasabi ni Direk Arlyn na plano itong isali sa mga international filmfest.”

May daring na love scene sina Elizabeth Oropesa at Kristofer King sa Bubog, kaya ba niyang gawin ito sa kanyang next project? “Puwede naman siguro, basta suggestive scenes lang at walang makikitang skin. Kailangan na iyong ka-love scene ko ay guwapo, kasing guwapo ni Coco Martin, hahaha!” Pabungisngis na reaksiyon pa niya.

Sa TV raw ay may pinaplanong show na rin para kay Atty. Jemina. “May pinaplano rin, pero more on the legal side. It’s a legal program, parang magbibigay ng advice-advice.”

Ang Bubog ay mula sa Blank Pages Production at Asian Premier Resources Trading Corporation nina Andrea Cuya at Aya Saycon. Bukod kay Atty. Jemina, ito’y tinatampukan din nina Julio Diaz, Juan Rodrigo, Jackie Lou Blanco, Allan Paule, Jak Roberto, Janice Jurado, Chanel Latorre, Rommel Padilla, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …