Sunday , December 22 2024

“Prisoner swap” ng Pinas at China

Dragon LadyMatuloy kaya ang planong prisoner swap ng Pinas at China?Mga presong nakakulong sa China,kapalit ng presong nakakulong dito sa Filipinas. May 200 FIlipino ang ngayon ay nakakulong sa China dahil sa mga kasong drug trafficking, na sakaling matuloy ang swapping ay dito na makukulong sa ating bansa.Maganda hindi ba? para yung mga pamilya ng ating kakaba-yang preso na sabik nang makita sila!

***

Ang problema, ang mga Pinoy na nakakulong doon dahil sa drug trafficking, ito yung mga courier, hindi sila nagbebenta, kapalit ng salapi sila yung naghahatid, minalas nga lang at natitiklo. Samantala yung mga taga-China na nakulong dito na sangkot sa ilegal na droga sila yung nagsusuplay at nagtatayo pa ng mga laboratoryo. Mas maigat ang mga kasong kinasasangkutan ng mga Tsinoy na nakapiit dito sa Filipinas.

***

Kunsabagay, mas maraming pinatay na nagumon sa droga ang mga Tsinoy mula sa kanilang suplay,k umakalat ito, sana depende sa kaso ang ipapalit!

Kelan naman kaya ang wife and husband swapping,he he he!

4-DAY WORK,LUSOT NA

Mababawasan din kaya ang sahod ng mga empleyado ng gobyerno at probado,ngayong lusot na sa House Committee on Labor and Employment ang panukalang bawasan ang araw ng trabaho ng mga manggagawa at gawin na lamang na 4 na araw ang dating 5 araw na pasok kada Linggo. Ito ay sa ilalim ng House Bill 5068 o Compressed Work Week na iniakda ni Baguio City Rep. Mark Go,subali’t dapat pa rin na kompletuhin ang 48 hours na trabaho kada Linggo.

***

Kung hindi naman mababawasan ang trabaho dahil madaragdagan lamang ang oras,tatlong araw ang magiging pahinga ng mga manggagawa at magiging malaki ang panahon na kapiling ang kanilang pamilya.Paano na yung mga Padre de Pamilya na mahilig sa hang out o gimikan na tuwing araw ng Biyernes ay laman ng beerhouse, gagawin ng araw ng Huwebes?

***

Sa isang banda, kapag nadagdagan ang oras ng isang ina na manggagawa din,lalo na kung may mga anak na nag-aaral, halos mawawalan na ito ng panahon kung pareho silang mag-asawa n nagtratrabaho.Kung dati-rati ay nakakapagluto ang ina ng kakaining hapunan, di na mangyayari. Sana pag-aralang mabuti ito, hangad ng may-akda ng House Bill na ito na makapagpahinga ng todo ang manggagawa sa loob ng tatlong araw, paano naman ang pang-araw-araw na pag-aasikaso sa mga anak na nag-aaral?

***

Na dati pagdating ni Mister na pagod mula sa trabaho ay sabay-sabay na kumakain ang mag-anak, ang mangyayari plakda sa higaan si mister ganun din si misis sa sobrang pagod, lalo na kung pag-uwi ay daraan sa sobrang trapik bago makauwi!

***

Gayonpaman, base sa inaprubahang panukala ni Cagayan Rep. Tandy Ting,optional at hindi ipipilit sa mga employer lalo na sa pribadong sektor ang apat na araw na trabaho kada Linggo.

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *