Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dating stand-up comedian at fan ng Gabby-Sharon loveteam, pasok sa Crazy Rich Asians

MAY Pinoy na nakapasok sa Hollywood movie na unang pinahagingan ni Kris Aquino na kinukuha siya.

Pero, sorry, hindi pa rin si Kris ang Pinoy nagbabando ngayon na kinuha na siya sa cast ng Crazy Rich Asians ng Warner Bros. Isang Fil-Am, na nakabase mismo sa Amerika ang nagsimula nang magsyuting: si Nico Santos, na ilang taon na ring lumalabas sa mga TV show sa US.

Pinoy na Pinoy pa rin ang turing ni Nico sa sarili kahit na maraming taon na rin siyang naninirahan at nagtatrabaho sa US. Ibinalita ni Nico ang pagkaka-cast n’ya sa Crazy Rich Asians sa pamamagitan ng Instagram posting n’ya na ang shout out ay, ”Good morning Philippines! I have some big news to share with you.”

Itinuturing si Nico na sikat na rin sa US dahil nasa regular cast siya ng  Superstore, isang hit na  comedy show sa NBC  na nagtatampok sa Ugly Betty stars na sinaAmerica Ferrera at Ben Feldman. Gumaganap siyang undocumented immigrant sa comedy series tungkol sa buhay ng mga empleado sa isang napakalaking supermarket.

Bago ang malaking break n’yang ‘yon sa TV, isa siyang stand-up comedian. He is a self-confessed fan of popular love team of Sharon Cuneta and Gabby Concepcion noong bata pa siya at nasa Pilipinas pa. He has written scripts for E! Network’s Fashion Police and appeared on Showtime’s Pride Comedy Jam, as well as in TV series like 2 Broke Girls,  Mulaney and Ground Floor. He was also in the regular panel of  Chelsea Lately.

Nagsimula na siyang magsyuting ng Crazy Rich Asians sa Malaysia.

Paano na nga ba ang ating si Kris Aquino?

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …