Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Nahihibang si Gen. Eleazar

NITONG nakaraang Pebrero, idineklara ng Quezon City Police District, sa pamumuno nitong si Chief Superintendent Guillermo Eleazar na drug-free ang kabuuang 19 barangay sa lungsod.

Buong tikas at walang kagatol-gatol na sinabi nitong si Eleazar na ang mga barangay sa Quezon City tulad ng Maharlika, Phil-Am, New Era, Novaliches Proper, Capri, Greater Lagro, Greater Fairview, Teachers Village East, Paligsahan at Laging Handa na wala na raw ilegal na droga.

Kabilang din sa mga idineklarang drug-free barangay ni Eleazar ang Damar, West Triangle, Blue Ridge B, Libis, Quirino 3b (Claro), Mangga, Valencia, Horseshoe at Kalusugan.

Ang ibig sabihin, drug-free na maituturing ang isang barangay kung walang kalakalan ng droga rito, at wala na ring drug pushers at users na naglipana.

Helloooo… Gen. Eleazar, nasa earth ka ba?!

Sino ba naman ang matinong taong maniniwala sa tinukoy ni Eleazar na drug-free ang nasabing 19 barangay. Alam ng mga taga-QC na sa mga barangay na nabanggit ay patuloy pa rin ang kalakalan ng droga at nagkalat pa rin ang mga adik, users at pushers.

Kung hindi alam ni Eleazar, magpunta lang siya sa barangay Novaliches Proper at hanapin niya ang mga “barker” na sina Obet at Nognog,  at makokompirma niyang patuloy ang drug trade sa nasabing barangay.  Hindi ba sina Obet at Nognog ay ‘bata’ rin ng mga pulis-Novaliches?

Sa ginawang pagdedeklara ng barangay drug-free ni Eleazar, nagmumukhang kengkoy tuloy siya ngayon sa mga taga-QC. Sino ba naman ang pinagloloko niya? Alam ng karamihan na walang katotohahan ang ginawa niyang deklarasyon at media mileage lang ang habol niya.

Ang mabuting gawin ni Eleazar ay lalo pa niyang paigtingin ang pagpapatupad ng Oplan Tokhang II, at itigil na muna ang “propaganda” dahil hindi naman ito epektibo at malalaman din ng taga-QC kung tunay na nagtatrabaho ang kanilang mga pulis.

Bantayan din ni Eleazar ang mga tiwaling pulis na nakatalaga sa mga barangay para matigil na ang kotongan at seryosong ipatupad ang Oplan Tokhang II.  Magtatagumapay lamang ang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga kung ang mga pulis na magpapatupad nito ay may integridad at sumusunod sa batas.

Summer Basketball
Tournament
sa Bahay Toro, QC

Binabati natin ang Philvirra Basketball Team sa kanilang pangalawang panalo sa ginaganap na Basketball League sa GSIS subdivision.  Sa pangunguna ng kanilang coach na si Ryan Gamo, tuloy-tuloy ang kanilang pag-asang makapasok sa finals ng liga.

Kabilang sa mga players ng Philvirra Basketball Team ay sina Diezel Gamo, Green Apo, Carlo Sapla, Blue Apo, JimRea Salonga, Kevin Sapla at Tektek Sapla.  Mabuhay si coach Ryan sa kanyang ibinibigay na suporta sa mga kabataan ng Philvirra.

Hoy, Ryan, ipasok at ibabad mo naman si Tektek. Go, Tektek, go!

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *