Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jemina Sy, nanghinayang sa nawalang eksena with Baron Geisler sa pelikulang Bubog

INTRODUCING sa pelikulang Bubog (Crystals) ang newbie actress na si Jemina Sy. Gumaganap siya rito bilang isang high class na drug pusher at police asset. Bagay naman sa kanya ang natokang role, dahil kahit first movie niya ito ay pasado siya para sa isang newcomer. May pagka-kikay kasi si Jemina, although by profession ay isa siyang attorney talaga.

Isa kang lawyer, pero bakit naisipan mong mag-artista?  Esplika ni Atty. Jemina, “It has always been my dream na maging actress at lu-mabas sa TV. It’s my first love.”

Nabanggit din ni Atty. Jemina na maganda ang feedback sa kanilang pelikula na naipalabas na sa Davao, Cagayan de Oro at Cebu.

“So far, okay naman ang feedback nila. They say na it’s a good movie. So, sana ay tuloy-tuloy iyong magandang feedback hanggang sa maipa-labas itong Bubog sa Manila. Very proud ako sa movie naming Bubog, very proud. Kasi, it’s really a good movie at saka napapanahon talaga siya ngayon. Kaya dapat ay panoorin nila ang movie na Bubog.”

Isa siya sa mga naka-eksena ni Baron Geisler sa movie ngunit dahil sa ihian issue nina Ba-ron at Ping Medina, inalis ang lahat ng eksena rito ni Baron at pinalitan siya sa movie. Nanghihinayang ba siya sa pagkawala ng scene nila?  “Medyo, kasi siyempre ano e, it’s my first acting scene talaga tapos maga-ling naman din si Baron, so nakapanghihinayang na nawala siya roon sa mismong movie.

Nabanggit pa niyang nagsampalan sila rito ni Baron, “Sampalan talaga, ‘yung isang scene lang ‘yon, one of the scene lang ‘yon, ‘yung nag-aaway kaming dalawa, Sinampal niya ‘ko so sinampal ko rin siya.”

Nasaktan ka ba sa sampal o nailang ka ba dahil sasampalin mo siya? “Expected ko naman, kasi nasa script naman. Medyo masakit siyempre, kasi real life ‘yung pagganap namin. Kaya sinampal ko siya nang totoo, nang bonggang-bongga. Na-shock din siya, nagulat din siya at sabi niya, ‘Masakit iyon ha.’ Sabi niyang ganyan after the shoot,” nakangiting saad ni Atty. Jemina.

Magkakaroon ng screening ang Bubog sa Fisher Mall sa May 25. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Arlyn dela Cruz at mula sa Blank Pages Production at Asian Premier Resources Trading Corporation nina Andrea Cuya at Aya Saycon. Ito ay tinatampukan nina Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Juan Rodrigo, Jackie Lou Blanco, Allan Paule, Jak Roberto, Raffy Reyes, Janice Jurado, Kristofer King, Chanel Latorre, Rommel Padilla, Joshua de Guzman, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …