Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamela Ortiz, umaasang magtutuloy-tuloy ang pagbabalik-showbiz

UMAASA si Pamela Ortiz na magtutuloy-tuloy na ang kanyang pagbabalik-showbiz. Nakilala ang dating sexy actress na si Pamela sa mga pelikulang Virgin Wife, Anghel dela Guardia, Mapupulang Rosas, Alipin ng Tukso, at iba pa. Ngayon ay guestings sa mga programa ng GMA-7 at indie films ang pinagkaka-abalahan ni Pamela tulad ng mga project na Tinik sa Laman, Destiny,Kung Matapos man ang Taglamig, Udyok at iba pa.

“Nagbabalik po ako sa showbiz para sa mga anak ko po, single mom po kasi ako, iyong apat na anak ko po nasa ex partner ko po. Kasi iniwan ko po sa kanya, di po dahil wala akong kuwentang ina, kundi para sa magandang future ng mga anak ko dahil alam ko na maibibigay niya ang pangangailangan ng mga anak ko po. I-yong panganay ko po nasa akin po. “Para po sa mga anak ko ang pagbabalik ko sa showbiz, para sakaling pagdating ng araw suwertehin po uli ako sa showbiz ay makuha ko na po sila at makasama ko po uli mga anak ko. Gusto ko rin po magbago tingin sa akin ng tao, na mabura ko iyong Pamela Ortiz na sexy star. Gusto ko pong makilala na ako as drama actress na, para maging proud mga anak ko po sa akin.” Ang huling project na ginawa niya ay Ika-6 na Utos ng GMA-7 at umaasa siyang makalabas sa Mulawin Vs. Ravena ng Kapuso Network

May mga nag-oofer pa ba sa iyo ng daring o sexy projects? “Meron po, pero di ko na po tinatanggap kasi iniisip ko ang mga anak ko po at di ko na rin po kaya.

“Pupunta po ako ng Tacloban, may show po ako roon. Iyon ang ipinagpe-pray ko po, magkaroon ako ng work lagi. Iyon ang gusto ko talagang mangyari, makabalik ulit sa showbiz at magwork nang magwork para may chance na makuha ko ulit ang mga anak ko,” saad niya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …