Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria, walang takot makipagsalpukan kay Coney Reyes

DAPAT papurihan at palakpakan ang dalawang Kapamilya director ng My Dear Heart, sina Jerome Pobocan at Jojo Sagun. Nagawa nilang bigyang buhay ang character na matagal na naming nadidinig pero ayaw paniwalaan.

Iyon ang taong may third eye o ang nakikita ang kaluluwa ng kapwa.

Perfect ang mga gumaganap sa karakter na kinuha nila para bumuhay sa isang istoryang may temang kababalaghan.

Pinataob nito ang tambalang AlDub na kasabay nilang umeere.

Imagine, dalawang bata, sina Nayomi Ramos (Heart) at Enzo Pelojero (Bingo) ay nakuha nilang panabikin sa araw-araw na panoorin ang teleserye.

Walang duda na magaling si Coney Reyes pero magaling ding umarte ang anak ni Sylvia Sanchez na si Ria Atayde. Wala siyang takot makipagsagutan at makipagsabayan sa gumanap niyang inang si Dr. Margaret Divinagracia (Coney).

Tunay na magaling ang dalawang director na pinagsama ang kanilang idea para hindi makaporma ang kasabayang serye.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …