Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alfie sa pag-alis sa kanyang poder ni Juday: Naaawa ako sa kanya

WALA na sa pangangalaga ni Alfie Lorenzo si Judy Ann Santos. Ang huli mismo ang nagkompirma na umalis na siya sa kwadra ng una.

Nagpunta si Juday sa condo unit ni Alfie noong August last year para magpaalam.

Sa interview ng Pep.ph kay Alfie, sinabi nito na kahit hindi na siya ang manager ni Juday ay wala siyang balak siraan ang aktres.

“Creation ko ‘yan. Kung gusto ko ‘yan na patayin, right now, mamamatay na ‘yan. Kasi, alam mo naman ang mga Filipino, galit sila sa mga walang utang na loob. Pinalaki mo sila ng 32 years, tapos basta ka na lang iiwan. Sila ang nakiusap na huwag silang bibitawan, tapos ako pala ang ilalaglag.” sabi ni Alfie

Dagdag niya, ”Masisira siya. Pati sa mga advertisement niya, masisira siya. Nilikha ko siya, bakit ko sisiraan? Huwag na lang, hayaan niyo na.”

Ano ang naging reaksiyon niya noong nagpaalam na sa kanya ni Juday?

“Ang reaksiyon ko, naaawa ako. Sikat na siya, eh. Sikat na siya, bakit naghangad pa siya na malaos? Kasi ako ang may lutong Kapampangan, ‘yung mga makikialam na iba sa aking sangkap, maiiba ang luto, maiiba ang lasa. Sa tagal ko na sa showbiz, more than 60 years na ako, nakita ko na lahat ng pag-uumpisa nila, na-compare ko na lahat. Naaawa lang ako kay Judy Ann dahil siguro akala niya, siya ang nagdesisyon, magtutuloy-tuloy pa rin ang kasikatan niya.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …