Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Vilma, ‘di nakadalo sa Gawad Pasado

Samantala, si Ms Vilma Santos na katuwang ni Charo sa parangal para sa pelikulang Everything About Her ay hindi nakarating dahil abala  sa kanyang tungkulin sa gobyerno. Ito ang ikaapat na tropeo ng aktres at kung mananalo pa ay puwede nang ihanay kay Nora Aunor na kauna-unahang Hall of Famer ng award-giving body.

Hindi rin nakarating si Ms Amalia Fuentes para tanggapin ang kanyang 2017 Pasado Lifetime Achievement Award. Si Alfonzo Martinez, apo ng aktres at anak nina Albert at namayapang si Liezl Sumilang-Martinez ang tumanggap ng award para sa kanyang lola.

Dumalo rin si Mike Enriquez ng DZBB para tanggapin ang Pinakapasadong Lingkod-Bayan.

Dumalo rin sina Allen Dizon para tanggapin ang kanyang ikatatlongPinakapasadong Aktor ng Taon para sa Iadya Mo Kami; Paolo Avelino para saPinakapasadong Katuwang Na Aktor para sa pelikulang The Unmarried Wife;Aiko Melendez at Barbie Forteza bilang magkatuwang sa Pinakapasadong Katuwang Na Aktres sa Iadya Mo Kami at Tuos, respectively.

Isa sa nakanakaw ng eksena ay ang pagtanggap ni Direk Elwood Perez ng kanyang Natatanging Pasado Sa Maestro Ng Pelikulang Pilipino dahil hindi lang tropeo ang kanyang natanggap kundi binigyan din siya ng koronang ‘laurel’ na katulad sa nakapatong sa ulo ng Bayaning Francisco Balagtas. Hindi pa roon nagtapos, habang nagbibigay siya ng kanyang mensahe ay inatake siya ng kanyang karamdaman tulad ng pagsakit ng kanyang ulo sabay ang pagkalimot ng mga pangalan na dapat nitong pasasalamatan.

Kasama rin sa nasabing okasyon ang Philippine Stagers Foundation na nagbigay ng kanilang opening production number.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …