Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jaclyn Jose, nawindang sa Gawad Pasado awards

NAGING totoo lang si Jaclyn Jose at hindi natin siya masisisi kung nakapagkomento nang tanggapin ang kanyang parangal mula sa Gawad Pasado ukol sa pagkanta ni Inigo Pascua.

Inamin nitong naguluhan siya kung nasa isang konsiyerto ba siya at hindi sa isang awards night dahil sa sigawan at tilian ng tagahanga ng batang actor habang kumakanta iyon. Maraming natawa sa tinuran ng Cannes Best Actress at inisip na nagpakuwela lang ito.

Aniya, kaya siya dumalo ay para tanggapin ang kanyang Natatanging Gawad Pasado 2017 at para magbigay-pugay sa mga dalubguro dahil siya ang kauna-unahang nakatanggap ng Pinakapasadong Katuwang na Aktres mula sa mga dalubguro at hindi nito akalaing umabot na sa 19 na taon ang Gawad Pasado na unang ginanap (awards night) sa University of Sto. Tomas.

Hindi rin natin masisi kung bakit ganoon ka-energetic ang mga tagahanga ng anak ni Piolo Pascual dahil ito ngayon ang tatak ng millennial fans na walang pinipiling lugar basta mailabas ang kanilang suporta sa iniidolo.

Talagang naging napakaingay ng auditorium nang pumasok ang aktor at habang kinakanta ang single carrier na Dahil Sa ‘Yo.

Hindi lang sigaw at tilian ang pumalaot ng gabing iyon dahil sinabayan pa ng mga tagahanga ang pagkanta ng actor.

Hindi lang bilang performer kaya naroon si Inigo kundi siya rin ang tumanggap ng tropeo sa Pinakapasadong Aktor ng Taon para sa kanyang amang si Piolo na hindi nakarating dahil mayroon itong karamdaman.

Matagumpay na naidaos ng mga dalubguro ang kanilang 19th Gawad Pasado Awards Night na ginanap noong Mayo 3 sa Yuchengco Auditorium ng De La Salle University Taft.

Masayang tinanggap ni Ms Charo Santos ang kanyang tropeo bilangPinakapasadong Aktres ng Taon dahil sa makatotohanan at epektibong pagganap sa pelikulang Ang Babaeng Humayo.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …