Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
vice ganda coco martin

Coco Martin at Vice Ganda, magsasalpukan sa darating na MMFF!

KINOMPIRMA ni Vice Ganda na may gagawin siyag pelikula kasama sina Daniel Padilla at ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

“Ipapasok yata nila sa MMFF,” saad ni Vice ukol sa planong movie with Daniel at Pia.

Ibig sabihin ay maghihiwalay na sila ni Coco Martin ng movie sa MMFF?

Esplika ng komedyante, “Oo, may movie siya, e. Actually, last year muntik na nga rin kaming hindi nagsama. Noong last minute kami nag-decide na magsama na lang tayo. Pero dapat talaga last year magsosolo na siya, eh.

“Kumbaga, siya yung mas bago sa akin sa film fest. Kaya deserve naman niya yun na magkaroon din ng sariling pelikula. At saka siya ang magdi-direk. Ang alam ko siya ang magdi-direk ng Panday.”

Matatandang ang dalawang pelikulang pinagsamahan nina Vice at Coco na Beauty and The Bestie noong 2015 ay kumita ng higit 526 million. Samnatalang ang sumunod dito na The Super Parental Guardians noong 2016 ay kumita ng higit P601 million.

Matatandaang ibinalita recently na gagawin ang pelikulang Panday ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. Binigyan na nang pahintulot ng creator ng Panday na si Direk Carlo J, Caparas na gawin itong pelikula ni Coco at planong isali raw sa darating na Metro Manila Film Festival.

Hindi lang ito pagbibidahan ni Coco kundi siya pa mismo ang magiging direktor ng naturang pelikula.

Anyway, ano ang pakiramdam ni Vice na na magkakalaban na ang movies nila ni Coco?

“Hindi naman siguro maglalaban. Sabay lang siguro, kung sakaling palarin kami sa filmfest. Magkasabay lang pero hindi naman kami magkalaban.”

Samantala, ipinahayag pa ni Vice na maaalagaan si Pia sa pelikulang pagsasamahan nila.

“Hindi ko naman pababayaan yang si Pia. We are friends actually. Kahit si Jonas (Gaffud, manager ni Pia), friends kami.

“Hindi ko pababayaan si Pia, mahal ko yon, ‘no. I will take good care of her,” pahayag pa ni Vice.

Pero, nilinaw din ni Vice na hindi pa siya sure kung para sa 2017 Metro Manila Film Festival ang kanilang gagawing movie ni Pia. “Basta before the year ends. Puwedeng filmfest, puwede rin namang before fimfest, but definitely, bago matapos ang taon may mapapanood kayong movie.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …