Saturday , November 2 2024

Ang Laos na kaisipan ng CPP-NPA-NDF

ANG sibilisasyon ay patuloy na nagmamartsa ang pasulong dahil sa mga bagong solusyon, pamamaraan at pananaw na tila apoy na nagluluto ng hilaw na kaisipan.

Ngunit ‘di ko maintindihan ay kung bakit may mga grupo o kilusan pa rin sa ngayon na patuloy ang kapit-tukong isinusulong ang isang makalumang paraan na tinalikuran na ng buong mundo. Ang mas malaking tanong ay kung bakit ang mga lider nila, na kilala bilang mga taong may utak at talino ayon sa popular na batayan ng lipunan, ay pikit-matang nilulunok ang kanilang mga prinsipyo at mga pananaw sa buhay maisulong lamang ang higanteng kabulokan na ito.

***

Mga mahal kong  tagasubaybay, tinutukoy ko po ang kilusang pakikibaka sa ating bansa na pinangungunahan ng New People’s Army o NPA.

Maglilimang dekada na nilang gamit ang bayolenteng pamamaraan sa pagsusulong ng kanilang mga adhikain at pagtutol sa demokratikong pamamahala ng ating bansa. Tila ba sa dulo ng punglo magmumula ang solusyon sa mga problemang agraryo, kakulangan ng kabuhayan, ng kalusugan ng mga Filipino sa kanayunan o ‘di kaya ng bulok na pag-iisip na iniwan sa atin ng mga dayuhang nanakop sa atin noon.

Kung armadong rebelyon ang lunas sa mga problema ng lipunan na ginamit ng NPA para makapaghikayat  ng mga manggagawa, estudyante at propesyonal para ipagpalit ang mapayapa nilang pamumuhay  sa bayolenteng pamamaraan sana wala na tayong hinaharap na problema ngayon. Ang limang dekadang  sinayang nila sa kilusan, pati na yung sangkatutak na buhay na naibuwis dahil sa pamamagitan ng armas  na isinusulong nilang  pamamaraan para rdaw malunasan ang mga mali sa lipunan.

***

Sa mga NPA diyan na hindi pa rin nasilayan ng liwanag, huwag ninyong  sayangin ang inyong kinabukasan sa loob ng kadiliman. Harapin ninyo ang liwanag. Magmasid kayo kung ano na ang anyo ng ating pamahalaan ngayon.

Aminin nating lahat na ang mga problema na nilulunasan ng gobyerno ay ‘di mabubura agad. Ang lipunan po ay hindi pelikula o palabas sa telebisyon na kung kailan gusto ng director na malunasan ang hidwaan ay agad-agad na mangyayari. O di kaya pag nagsawa na patayin ang TV or lumabas ng sinehan ay solved na ang problema.

Alam ba yo na may mga opisyal sa ngayon ang ating gobyerno na, in one way or another, naging kabahagi ninyo o di kaya ay galing sa hanay ng mga puwersang naghahanap ng solusyon sa mga problema ng lipunan?

Sila po ay itinalaga sa mga posisyon na direktang tumutugon sa mga hinaing na limang dekada na ninyong isinisigaw. Since nandiyan na sila ay gamitin nyo ang mga hawak nilang posisyon para bigyan ng solusyon ang mga problemang  sinasabi  ninyo.

***

Di naman problema kung iba ang politikal na paniniwala. Ginagarantiyahan ng Konstitusyon na dapat palaguin ang iba’t ibang pananaw ‘wag lang gumamit ng mga kriminal na pamamaraan katulad ng pagkaroon ng armas o gamitin ang pananakot para makamtan ang iyong kagustuhan. Ipagpapatuloy pa rin ba ang armadong pakikibaka gayong isinusumbong  ng taongbayan sa sundalo’t pulisya kung nasaan kayo?

Ano pa ba ng dapat gawin ng gobyerno para mahango sa laos na pamamaraan ng pakipagtunggali?

***

Gising na, kaibigan. Ito na ang tamang panahon para idaan sa mahinahong paraan ang pagresolba sa mga problema ng lipunan. Kita n’yo naman na kahit walang humpay ang pag-atake ninyo isinusulong pa rin ni Presidente  ang usapang pangkapayapaan. Dahil ngayon lang nagkaroon ng boses at kamao ang masang Filipino sa larangan ng politika. Nabuwag na ang tanikalang inangkla ng mga angkang may lupa sa ating gobyerno. Wala na ang mga ilustrado, mga haciendero at mga tradisyonal na naghahari sa eksena. Maniwala o hindi, ang pusong tumitibok ngayon sa gobyerno ay pusong makatao at Filipino ang nauuna sa pila.

Kung di hangad na makiisa sa lumalakas na kilusang mapayapang  pamamaraan, baka mawalan ng pagkakataon na mamuhay at mamatay sa isang mapayapang panahon.

Kung makiiisa, tiyak na makikinabang. Tayong mga Pinoy pa! Ang yaman ng bayan natin at ang gagaling dumiskarte ng mga Pinoy. Kung sa loob ng limang dekada ng armadong pakikibaka walang inabot ang lipunan natin, dalhin natin sa mapayapa at mga pamamaraang di bulok at laos.

EYE IN THE SKY – ni Gerry Zamudio

About Gerry Zamudio

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *