Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, pangarap pa ring maging isang doktor

KAHIT nirerespetong award winning actress na si Jodi Sta. Maria, hindi pa rin niya isinasantabi ang pangarap na maging doktor.

Ayon kay Jodi sa presscon ng Dear Other Self na showing sa May 17, nakahanap na siya ng home school para maipagpatuloy ang pag-aaral. Gusto niya talagang pahalagahan ang edukasyon at maging halimbawa sa kanyang anak.

Kung dati ay mas may edad sa kanya ang ka-partner niya gaya nina Richard Yapat Ian Veneracion, ngayon naman ay dalawang mas bata gaya nina Xian Lim atJoseph Marco. ‘Yung level ng maturity nina Joseph at Xian ay hindi naman nalalayo kay Jodi.

Hindi naman niya kailangang mag-adjust o magpabata.

“Sobrang blessing nga kasi  pinadali nilang dalawa ‘yung trabaho ko. Kasi dumarating sila sa set na alam na nila ang gagawin nila. Nasa kanila naman ‘yung quality ng pagiging professional,” sambit ni Jodi.

Aminado ang aktres  na nagtagisan ng abs sina Xian at Joseph sa Dear Other Self, pero hindi niya binigyan ng malisya. Ngumanga talaga si Becky (karakter ni Jodi) habang nasa harapan niya ang pandesal ni Joseph.

“Hindi ko na-appreciate ‘yung pandesal pero ang na-appreciate ko  sa kanya ay ‘yung process kung paano niya nakuha ‘yung pandesal,” bulalas ni Jodi.

Dagdag pa ni Jodi, talagang maglalaan ka ng oras at determinasyon para makuha ang ganoong tipo ng katawan.

May ilang eksena ng Dear Other Self na kinunan sa Bangkok na nag-enjoy sila. Hindi siya sumakay sa elepante kundi pinaliguan nila. Ito ay sa direksiyon niVeronica Velasco.

Talbog.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …