Monday , December 23 2024

Walang modo si Tito Sotto

00 Kalampag percyGINALIT na naman ni Sen. Tito “Eat Bulaga” Sotto ang publiko sa pambabastos kay Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo sa ginanap na confirmation hearing ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA), kamakalawa.

Paborito nga talagang tularan ni Sotto ang idolong si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada pagda-ting sa kawalan ng proper decorum o kaganda-hang-asal.

Matatawag na verbal abuse ang pag-urirat ni Sotto sa personal na buhay ni Taguiwalo dahil wala namang kaugnayan sa pagiging single parent niya ang gagampanang tungkulin bilang kalihim ng DSWD.

Kahit ipinaliwanag na ni Taguiwalo ang mga kadahilanan ng kanyang pagiging solong magulang ay hindi pa rin nakontento si Sotto na maibulalas ang sarili niyang pakahulugan sa mga dalagang ina.

Bakas ang kaberdehan ng kukote ni Sotto nang sabihing, “In the street language, when you have children and you are single, ang tawag do’n ay na-ano lang.”

Saang diksiyonaryo hinugot ni Sotto ang ‘pinagparausan’ o ‘na-ano lang’ ang katumbas na kahulugan ng single mother?

Ang tawag sa mga klase ng tao na gaya ni Sotto – sa salitang kalye – ay “masama ang tabas ng dila.”

Matapos siyang bayuhin ng netizens sa social media, sinabi ni Sotto na biro lamang ang kanyang sinabi.

Kahit humingi ng paumanhin si Sotto ay ipinagyabang naman niya na walang hangganan ang kapangyarihan ng mga miyembro ng CA at kahit ano ay puwedeng itanong.

Sabi ni Sotto, “Sa CA, ang kahit anong tanong, anything under the sun about a nominee, can be asked.”

Bakit, kasama rin ba sa kapangyarihan ng CA na ipinangangalandakan ni Sotto pati ang pambabastos, lalo sa mga kababaihan?

Hangga’t walang batas na nagsasabi na pati ang pamemersonal ay puwedeng itanong sa CA ay hindi dapat ipagmalaki ni Sotto ang sinasabi niyang kapanyarihan.

Kung may dapat gamiting batayan sa sina-sabing kapangyarihan ng mga CA members na itanong, ‘yun ang mga isyu na may kaugnayan lamang sa tungkulin na gagampanan ng isang nominado.

Hindi ba wala namang naghain ng objection o pagtutol sa kompirmasyon para ukilkilin ni Sotto pati ang pagiging single parent ni Taguiwalo?

Ang malungkot, kinaladkad ni Sotto ang sari-ling ina at anak na hindi naman dapat makasali sa isyu para bigyang katwiran ang kanyang pambabastos.

Hindi ba naisip ni Sotto na siya at hindi naman ang kanyang ina o anak ang senador na mambabastos?

Kung nagbibiro si Sotto at gusto niyang magpatawa, doon siya pumunta sa comedy bar na puwede ang bastusan, hindi siya nababagay sa Senado o sa gobyerno na seryoso ang trabaho.

Sa comedy bar ay pwedeng magpatawa si Sotto kahit sa kapinsalaan ng iba hanggang gusto niya dahil ang mga nagpupunta roon ay handang mabastos.

Palibhasa, hindi pinag-aaksayahan ng panahon ni Sotto at ng maraming nasa pamahalaan na isaulo ang Republic Act No. 6713 para matutunan ang dapat maging asal ng isang public official.

Ang Code of Conduct and Ethical Standards for Officials and Employees ay pamantayan na hindi dapat binabalewala ng mga nasa pamahalaan.

Sabagay, baka nasanay na si Sotto na pagmumurahin ng publiko at naubusan na ng kahihiyan.

Katuwiran si-guro ni Sotto, pareho lang naman siya ng mga bobo-tante kaya tuwing tatakbo sa eleksiyon ay ibinoboto pa rin siya.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *