Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tommy, magso-solo na kaya hiniwalayan si Miho

TAGAPAGMANA raw ba nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sina Tommy Esguerra at Miho Nishida?

Nagkataon kasi  na naghiwalay sina Tommy at Miho ngayong patapos na ang Langit Lupa, na dating time slot ng Be My Lady. Naghiwalay din kasi ang DanRich after ng prime tanghali serye nila.

Kinompirma ng Star Magic ang split-up nina Tommy at Miho.

“The celebrity couple has mutually decided to end their relationship after more than a year. Both parties remain friends but have agreed to spend time apart.

“Miho and Tommy ask for your continuous support for their individual careers. Thank you.”

Nagsimulang ma-link sina Miho at Tommy sa Pinoy Big Brother 737  nuoong 2015.

“’Di ba magsosolo na ‘yung lalaki. Tapos na ang ‘“Langit Lupa’, eh! Kasama siya sa Cover Boys sa ‘ASAP’,”  reaksiyon ng malapit sa ToMiho.

“Kung mahal mo ang isang tao, hindi ka bibitaw sa loveteam. Pamilyado kasi si Miho. Sinasabi nga nila ‘package deal’ dahil may anak na si Miho, eh, si Tommy single at napapalibutan pa ng mga model, mga class A na babae,” dagdag pa ng kausap namin.

Apektado si Miho sa hiwalayang nangyari. Nasa stage ito ng ‘acceptance’ lalo na ‘yung anak niya na ‘daddy’ kung tawagin si Tommy. Wala namang magagawa si Miho kundi mag-move on.

Ayon naman sa reaksiyon ng netizens sa social media, walang forever sa ToMiho. Walang chemistry. ‘Di raw bagay si Miho kay Tommy dahil mas matanda at may anak na.

May mga ToMiho fan din na nanghihinayang at nalungkot sa paghihiwalay ng dalawa.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …