Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jana Agoncillo, humahataw sa Goin’ Bulilit at Team Yey

ENJOY na enjoy ang child star na si Jana Agoncillo sa pagiging bahagi niya ng mga TV show na Goin Bulilit at Team Yey. Ang una ay napapanood sa ABS CBN tuwing Linggo at ang sumu-nod naman ay sa ABS-CBN TVplus araw-araw, 8:30 am and 2:30 pm.

Ayon sa kanyang Mommy Peachy, parang laro lang daw sa kanyang anak ang ginagawa kapag nagte-taping sa dalawang TV show na ito.

“Iyong Team Yey, educational po siya at marami po siyang kasamang mga bata rito, parang Goin Bulilit din. Diyan po muna sya nailagay at sa Bulilit, habang wala pa po siyang serye.”

Wika naman ni Jana, “Enjoy po ako sa Goin Bulilit, sa taping po kapag hindi pa take, naglalaro po kami ng ‘ice-ice water’. Kalaro ko po sina si Sophie at Kazumi … lahat po ng bata roon, kalaro ko po e.

“Sa Team Yey naman educational show po ito and marami akong kasamang mga bata po rito. May singing at dancing, may about sa arts pati storytelling at iba pa po rito. Kaya super happy po ako, marami akong kalaro and friends dito and marami pa akong natututunan.”

Bukod sa mga TV show ay kaliwa’t kanan din ngayon ang endorsements ng super-cute na si Jana. Kabilang dito ang Ligo sardines, Colgate, Moose Gear, Van’s shoes, at GAOC Dental.

“Super love ko po ang mga endorsements ko at ang mga projects na ibinibigay sa akin, blessed po ako at salamat kay Jesus dahil lahat po ng mayroon ako ay galing kay Jesus.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …