Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, gagawin ang remake ng Ang Panday

BONGGA talaga si Coco Martin dahil magiging director na siya sa kanyang filmfest entry sa Metro Manila Film Festival 2017 na Ang Panday.

Si Coco na talaga ang sumusunod sa yapak ng Hari ng Pelikulang Filipino dahil gaya ni Fernando Poe, Jr.,  ito rin ang nagdidirehe ng ilang pelikulang pinagbidahan niya.

Bukod kasi sa pag-remake ni Coco ng FPJ’s Ang Probinsyano sa telebisyon, susundan din niya ito ng  pelikulang Ang Panday ni FPJ.

Kinompirma ng talent manager ni Coco na si Biboy Arboleda sa kanyang Facebook account ang filmfest entry ng aktor.

“Comics King & Director Carlo J. Caparas granted the King of Television and Cinema @mr.cocomartin the rights of the movie Panday, which Coco M. will topbill and direct, and pitch as an entry to the upcoming Metro Manila Film Festival 2017,” post ni Mother Bibs.

Ilan sa nag-remake ng Ang Panday sa pelikula at telebisyon ay sina Bong Revilla Jr., Jinggoy Estrada, Jericho Rosales, at Richard Gutierrez. Nagkaroon din ng comedy version si Joey De Leon noong 1998.

Ang Ang Panday ay mula sa komiks na katha ni Carlo Caparas noong 70’s. Ginawang pelikula ito ni FPJ noong 1980. At nasundan pa ng tatlong version noong 1981 hanggang 1984.

Naging top grosser ito sa MMFF kahit noong ilahok ni Revilla noong 2009 at nasundan pa ito noong 2011.

Puwedeng-puwede na talagang tawagin si Coco na bagong Hari ng Pelikula at Telebisyon.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …