EIGHTEEN na si Jairus Aquino noong April 1. Mixed emotions ang naramdaman niya ngayong pumasok na siya sa adulthood.
“I’m excited na hindi. Excited ako mag-18 pero kinakabahan din kasi dagdag responsibilities. Noong una parang feeling ko hindi ako ready pero after my birthday siguro parang dala rin ng kaba. Okay naman parang wala rin namang nagbago eh. I know sa future may mga darating pang ibang mga problema, so roon ako kinakabahan,” sabi ni Jairus sa interview sa kanya sa Push.com.
Patuloy pa niya, “Pero I guess I’m ready enough naman na maramdaman na lahat ng ‘yun. Siyempre pag-18 ganap na adult ka na talaga and I’m happy. ‘Yun nga lang ‘yung responsibilities kasi of an adult I don’t know if I’m ready for that. Pero I guess after ko mag-birthday mukhang okay na naman na ako, so ‘yun lang ‘yung naiisip ko pero happy naman ako.”
Ngayong 18 na si Jairus, puwede at allowed na siyang mag-drive ng sarili niyang sasakyan.
“Marami ng privileges na mag-o-open pa lalo for me like driver’s license and kahit ano pang mayroon diyan na puwedeng makuha ko and happy ako. I already drive naman kasi mayroon akong student permit tapos ayun, ‘yun lang ‘yung gamit ko. Actually nag-da-drive na ako for two years with that permit kasama ko lang ‘yung mom ko palagi kasi kailangan may professional driver’s license. Pero ngayon sakto noong nag-expire I can apply na kasi wala rin akong driver lately so kailangan ko talaga i-renew. So na-renew ko agad, kumuha ako agad ng non-pro na driver’s license.”
MA at PA – Rommel Placente