Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Si Atty. Rudolf Philip Jurado, bow!

HINDI pa huli ang lahat, ang pagdedeklara ng revolutionary government ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang magiging susi para maisakatuparan at mapagtagumpayan ang nina-nais na programa ng kasalukuyang pamahalaan.

Ang mga pangako ni Digong nang manalo noong 2016 elections ay magtatagumpay kung itutuloy ni Digong ang plano niyang pagtatayo ng isang revolutionary government.

Si Atty. Rudolf Philip Jurado, isa sa mga abogado ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ay naniniwala sa ganitong pananaw, at kung gagawin ito ni Digong, ang mga kalaban sa politika tulad ng yellow at leftist group ay hindi na rin makapoporma.

Sa isang magkaibigang usapan sa Timog, kinatigan ni Philip ang pananaw ni Digong na ang isang revolutionary government ang magiging susi para maipatupad nang maayos ang mga programa ng administrasyon nang walang balakid.

“Kaya maraming pasaway ngayon o kontra kay Digong dahil na rin sa nagagamit nila ang kasalukuyang batas. Kahit wala sa katuwiran, makapagsalita lang laban kay Digong, upak nang upak sila,” paliwanag ni Philip.

Ibig sabihin ni Philip, mas magiging madali ang pagresolba sa usapin ng NPA, MILF, MNLF, terorismo, droga, korupsiyon at kahirapan lalo ang pagsusulong sa usapin ng federalismo kung maipapatupad ang revolutionary government.

Higit na mas may ‘malayang kamay’ si Digong para maisulong ang kanyang programa para sa isang maayos na pamahalaan na tunay na magsisilbi sa taongbayan.

Tulad ito ng isang tagumpay ng madugong pag-aaklas ng mamamayang matagal na inapi at pinagsamantalahan ng mga mayayaman at eletista.

Sabi ni Philip, nakita ng mamamayang Filipino sa katauhan ni Digong ang isang lider ng revolutionary movement na magpapalaya sa kanila sa matagal na pang-aapi ng mga tradisyonal na namumuno sa Filipinas.

Nagulat ako dahil ang akala ko ako lang ang may alam sa rebolusyon ng mamamayang Filipino. Hindi pala, dahil pati si Philip ay may alam din sa Philippine Society and Revolution ni Joma.

Mahaba pa ang pinag-usapan namin ni Phi-lip, at sinabi pa niyang ang tagumpay ng pamahalaan ni Duterte ay nasa pagkakaisa ang ba-yan, at sa pananalig kay Duterte at pananalig sa sariling kakayanan.

Si Philip ay pamangkin ni Emil Jurado, kolumnista ng Manila Standard na nakasama ko noon sa radio station na DWIZ. Isang asset si Philip kung mapapasama siya sa team ni Duterte sa Malacañang.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *