Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Neil, 3 beses umiwas sa mga nangungulit ukol sa date nila ni Angel

TATLONG beses  nilapitan ng movie press si Neil Arce at umiwas ‘pag tinatanong tungkol sa pagdi-date nila sa Hongkong ni Angel Locsin. Nag-text din ang isang katoto kay Angel pero habang isinusulat ito ay wala pang reply ang akres.

“Ano kasi..puwedeng ano na next presscon na siyempre gusto kong i-focus sa ’Luck At First Sight.’ Pero si Direk Joyce (Bernal) ang director,” sambit niya kung ano ang next project ni Neil at sa iba pang isyu.

Nilinaw din niya na hindi movie ni Angel Locsin ang susunod niyang ipoprodyus.

Tinanong din si Bela Padilla kung ano ang reaksiyon niya sa pagkaka-link ni Angel sa ex-boyfriend niya nang masolo siya sa presscon ng Luck At First Sight. “Hindi ko rin talaga alam. Ayaw kong i-sway toward one direction kasi baka hindi totoo tapos magkamali ako,” reaksiyon niya.

Nagulat ba siya sa pagkaka-link ni Neil kay Angel?

“Walang gulat kasi nga parang wala na kaming say eh tungkol doon. So kung anuman..Basta masaya siya, okey na ako,” pakli niya.

Na-hurt ba siya sa isyu?

“Hindi po, eh. Hindi naman po,” diretso pa niyang sagot.

Hindi ba niya nakita na mangyayari ‘yan?

“Hindi ko in-anticipate kasi hindi ko in-anticipate na magbi-break kami,” sey pa ni Bela.

Super okey naman sila ni Neil ngayon bilang magkaibigan lalo ‘pag tungkol sa Luck At First Sight kung ano ang idagdag sa marketing, kung ano ang puwedeng gawin. Hindi naman sila parang strangers na hindi nag-uusap. Mas madali na silang mag-usap ngayon at free  na mag-usap.

Anyway,showing na sa May 3 ang Luck At First Sight kasama sina Jericho Rosales, Jeric Raval, Dennis Padilla, Cholo Barretto, Kim Molina, Thou Reyes, Issa Pressan, PJ Endrinal. Ito ay sa direksiyon Dan Villegas. Handog ng Viva Films at N2 Productions.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …