Sunday , November 17 2024

Aquino girls, mamamayagpag sa Hollywood

DALAWANG Aquino ”women” pala ngayon ang napapabalitang “the next big thing in Hollywood”:  si Kris Aquino at ang transgender woman na si Ivory Aquino.

Si Ivory, ayon sa ulat ng Philippine Star entertainment editor na si Ricky Lo, ay related sa political Aquino family sa Pilipinas.

Kung si Kris ay malamang na maika-cast sa Hollywood movie na Crazy Rich Asians, si Ivory ay nasa cast na ng TV series na When We Rise ng ABC.

Ang When We Rise ay isang 8-hour mini-series na hina-higlight ang 45 years of the LGBTQ movement sa Amerika.  Actually, noong February-March pa ito naipalabas.

Sa People magazine ng Amerika, tahasang binanggit na si Ivory ay ”niece of her home country’s former president Corazon Aquino” bagamat hindi binanggit sa alinman sa publicity materials na nabasa namin tungkol sa When We Rise kung sino ang mga magulang n’ya.

Sa Hollywood Reporter naman ay tinawag siyang  “Hollywood’s Next Big Thing.”

Sa mga litrato n’ya, mukhang  mid-20s pa lang ang edad ni Ivory, bagamat 39 years old na pala siya. Bago siya nakuha para sa isang major role sa When We Rise, nakalabas na siya sa ilang musicals sa entablado at sa ilang pelikulang gawa sa US.

Noong mid-20s nagpaopera si Ivory sa Thailand para ”makompirma” ang kanyang pagiging babae. (Sa Amerika, ‘di tinatawag na ”bading” ang mga transwomen, kaya ”sex confirmation” ang tawag ‘pag nagpaopera sila— hindi “sex change.”)  Gayunman, sa mga nalabasan na n’yang pelikula bago ang When We Rise, hindi ipinahayag ni Ivory na transgender woman siya. Kasi nga ay hindi n’ya kailangang gawin yon, dahil may batas na sa Amerika na kung ano ang hitsura mo kapag nag-a-apply ka bilang aktor o aktres, ‘yon ang tatanggapin nilang gender mo. Hindi ka puwedeng tanungin kung transgender ka o operada.

Inamin ni Ivory na transgender siya dahil mismong ang role na ginampanan n’ya sa When We Rise ay  isang transgender, specifically ang activist na si Cecilia Chung, isang Chinese-American na tanggap na sa Amerika ang pagiging transgender. (Ang ibig sabihin ng LGBTQ ay lesbian, gay, bisexual, transgender, queer.)

Sa Pilipinas ipinanganak at lumaki si Ivory. Pumunta siya saAmerika noong nasa last year of high school na siya sa Pilipinas para maging exchange student doon. Sa Berklee College sa Boston siya nagtapos ng Music degree n’ya. Noong nasa Berklee na siya, nagsimulang magdamit babae.

Samantala, kung matutuloy nga si Kris sa paglabas sa pelikulang Crazy Rich Asians, ang mga makakasama n’ya ay sinaMichelle Yeoh, Henry Golding, Constance Wu, Sonoya Mizuno, at Gemma Tan.

Ang balita ay hindi isang Pinay ang gagampanan n’ya kundi isang taga-Brunei o taga-Malaysia. At sa mga interbyu kay Ivory, walang nagtanong kung magkakilala sila ni Kris. Parang si Kris ang ‘di pa kilala sa Hollywood.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *