Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paul Sy, masaya para kay Direk Perry Escaño

MASAYA ang komedyanteng si Paul Sy para sa kaibigang si Direk Perry Escaño. Unti-unti na kasing natutupad ang pangarap nito bilang direktor. Tinatapos na ngayon ni Direk Perry ang Cinemalaya movie niyang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na pinagbibidahan ni Rep. Alfred Vargas.

“Haping-happy ako sa nangyayari ngayon sa career ni Direk Perry, una na itong movie na Ang Guro ko, tapos ay may gagawin na ulit siyang bago. Kaya ipinagpe-pray namin talagang mga magkakaibigan itong movie niyang pang-Cinemalaya na maging successful talaga,” esplika ni Paul na regular na napapanood sa sitcom na Home Sweetie Home nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz.

First time ni Paul na magkaroon ng entry sa Cinemalaya, gumaganap siya rito bilang isang magsasaka na naging guide ng mga foreign teacher. Pero mas masaya siya para sa kaibigan. “First time ko sa Cinemalaya, sa Cinema-1 dati nagkaroon ako ng movie, iyong Kubrador. So ngayon po, iba na ito, kaya masayang-masaya ako. Pero mas happy ako for Direk Perry, alam kong dream come true sa kanya ito, although marami na rin siyang nagawang mga short film. Pero eto kasi Cinemalaya at ibang level ito.

“Si Perry kasi simula college, magkasama na kami niyan sa Lyceum of the Philippines sa theater na Tanghalang Batingaw. Kumbaga, iyong mga pangarap namin, alam namin sa isa’t-isa.”

Sa palagay mo, dream project ito para kay Direk Perry? “Yes, oo, dream project talaga ito sa kanya. Although may nagawa na siyang mga art film na maliliit lang, pero iba kasi kapag pang-Cinemalaya, e. Bukod pa riyan, full length movie ito e at ang mga artista rito ay puro magagaling, award-winning. Like sina Alfred (Vargas), Direk Lou Veloso, Mon (Confiado) at yung mga bata na magagaling talaga.”

Nabanggit pa ni Paul na bagay talaga si Alfred bilang bida sa pekikulang ito. “Bagay talaga kay Alfred ang papel niya rito and feeling ko ay hindi naman siya nahirapan sa character niya rito. Actually, siyang-siya iyong role e, I mean, mapagkawanggawa kasi iyong papel niya rito sa movie at ganoon din naman siya sa totoong buhay, eh. Isa siyang public servant sa totoong buhay e, na tumutulong sa mga tao. Ganoon din siya rito sa pelikula, na tinulungan niya iyong mga batang gustong makapag-aral. Na kahit hindi siya marunong bumasa at sumulat, gumawa siya ng paraan para matulungan ang mga bata. Kaya ganoon ang title nito.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …