Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Benj Manalo, patuloy sa pagganda ang showbiz career

LALONG humahataw ang showbiz career ngayon ni Benj Manalo. After panandaliang mamahinga sa FPJ’s Ang Probinsyano, mas naging maganda ngayon ang character niya sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin. Bukod pa sa TV, kasali rin si Benj sa sofdrink commercial ni Daniel Padilla at may dalawa pa siyang online shows.

Nabanggit ni Benj na masaya siya sa takbo ngayon ng kanyang career.

Esplika niya, “Yes po sobrang happy ako sa career ko, sa mga commercials and mayroon akong ginagawang dalawang online show. Iyong isa po is my own show called #BenjFTW. Itong sariling online show ko po is para mapakita iyong other side ko aside from acting po. And iyong isa po, on the works na isang online series naman po.

“Iyong sa first po, sa #BenjFTW, it will showcase my dancing, singing, and hosting skills po. Bale doon ko siya ilalabas.”

Ipinahayag din ng utol ni Nicco Manalo ang kasiyahan dahil nabigyan ulit ng chance na umarte. “Tungkol po sa pagbabalik ko sa programang FPJ’s Ang Probinsyano, sobrang saya ko and thankful dahil nabibigyan ulit ako ng pagkakataon umarte, ‘yun naman ang main goal ko, is to act.

“Masaya na malungkot din, kasi ‘yung mga dati namin kasama like sa malapit kong kaibigan na si Pepe Herrera ay wala na. Siya kasi ‘yung lagi ko rin nakaka- batuhan pagdating sa comedy sa loob ng programa, nakaka-miss lang.”

Dagdag pa ni Benj, “Pero ngayon na nabigay sa akin ‘yung plot ng pagiging reporter, mas na-challenge ako. Kasi, mas may lalim na po ‘yung takbo ng aking role, nakakakaba minsan, kasi mahirap palang maging isang reporter. Marami akong inaral about it, kasi sabi ko nga kay Yassi, ‘Hindi pala madali ‘yung ginagawa mo, dahil higit sa kailangan mong umarte, ay kailangang maniwala ang tao sa mga sinasabi mo dahil news ito.’”

Ano ang masasabi niya sa mga viewers na walang sawa sa pagsubaybay sa kanilang TV series at ano pa ang dapat asahan ng mga suki nilang manonood?

“Sobrang nagpapasalamat siyempre sa mga tagasubaybay ng programa namin dahil hindi sila nagsasawa at lagi talaga sila nakatutok. Karamihan apektado pa kapag may nakakasalubong ako sa daan ay sasabihin sa akin, ‘Please lang hulihin nyo na si Jaoquin.’ Hahaha! Kaya nakakatuwa at nakakataba ng puso, kaya lagi namin at lalo namin pinag-iigihan ang aming trabaho.

“Ang dapat nilang asahan pa sa Ang Probinsyano ay ang mas matagal pa naming pagsasama. Sabi nga ng karamihan sa amin, madaming sorpresa ang dala ng show na ito para sa mga tao, kaya sana ay huwag silang magsawa sa pagsuporta sa aming programa,” nakangiting saad pa ni Benj.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …