Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nikko Natividad, happy sa movie na Bes, Ang Galing Mo! (Uwian Na, May Nanalo Na!)

GUMAGANAP na anak ni Ms. Ai Ai delas Alas ang Hashtag member na si Nikko Natividad sa pelikulang Bes, Ang Galing Mo! (Uwian Na, May Nanalo Na!).

Ayon kay Nikko, sobra siyang nagpapasalamat kina Ai Ai at sa direktor nitong si Joel Lamangan dahil sa pag-alalay sa kanya sa shooting ng pelikula.

“Okay po ang first shooting day namin, maayos naman po ang shooting namin. Actually, puro scene po namin ni Ms. Ai Ai ang kinunan,” panimulang kuwento sa amin ni Nikko nang makahuntahan namin siya recently.

Dagdag niya hinggil ky Direk Joel, “Si direk po estrikto po siya, pero okay po iyon dahil para sa ikakaganda ng movie iyon.

“Sina Direk at Ms. Ai Ai, mababait po sila sa akin pareho at inaalalayan po nila ako pareho lalo sa pag-arte po. Alam kasi nila na baguhan pa lang po ako, kaya malaking tulong iyon sa akin.”

Ayon sa line producer na si Dennis Evangelista, ang naturang comedy film ay tinatampukan nina Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin, Beauty Gonzalez at Ms. Ai Ai. Mula sa panulat ni Ricky Lee at sa pamamahala ni Direk Joel, ito ay sa ilalim ng produksiyon ng Cineko Productions Incorporated.

Noong una, aminado si Nikko na kabado raw siya na may halong excitement ang naramdaman nang nalamang bahagi siya ng naturang pelikula.

“Dahil anak po ako ni Ms. Ai Ai rito sa movie, sabi po nila sa akin ay malaki po talaga ang role ko rito. Kaya masasabi ko po talaga na big blessing sa akin po ito. Pero bukod sa excited, kinakabahan po ako at natatakot dahil alam ko sa sarili ko na wala pa talaga akong masyadong experience pagdating sa pag-arte. Plus, Direk Joel Lamangan po ang director namin.

“Kasi sabi nga po ni Nanay (Jobert Sucaldito, his manager), sobrang estrikto si Direk Joel. Pero ayos lang po sa akin ‘yun, basta para naman sa ikakaganda ng movie iyon.

“Ang ikinakakaba ko po, sana ay magawa ko po nang maayos ang trabaho ko rito,” bulalas pa ng dancer/actor.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …