Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha Leigh, mag-aala Yeng Constantino

TALENTED, beauty and brain ang teen singer na si Rayantha Leigh na kahit abala sa kanyang showbiz carrer ay nagawang gumraduate wirt honor.

Ani Rayantha, “Actually hindi ko po ini-expect na magkaka-honor po ako, kasi nga po marami na akong beses umabsent sa school, pero nakasusunod naman ako roon sa mga pinag-aaralan namin.

“Minsan nga po ‘pag may exam kami and then ipinakikita sa akin ‘yung result nagugulat ako kasi matatas ‘yung nakukuha kong score.

“Most of the time kasi hindi ako nakaka-review kasi nasasaktuhan na may malaking events or show na guest ako, so, nawawalan po talaga ako ng oras na makapag-review.

“Kaya nang gumraduate po ako, nagulat po ako na kasi with honor po ako at nakakuha pa ako ng Bronze Medal.

“Pero ‘pag ‘di naman po ako busy, naka-focus lang po ako sa pag- aaral.”

Fave singer nito si Yeng Constantino. “Si Yeng kasi pareho kami ng genre na pop rock and ‘yung songs po niya madaling kantahin at masarap pakinggan.”

Namana nga nito ang hilig sa pagkanta at talino sa kanyang daddy. “’Yung dad ko po magaling kumanta and valedictorian po siya noong nag-aaral siya, pero hindi po siya ganoon ka-confident kaya sa mommy ko naman ‘yung confidence ko.”

Excited ito sa paglabas ng kanyang album ngayong taon. “Upcoming na po ‘yung album ko, isang song na lang po at tapos na ‘yung album ko.

“’Yung four songs po nanggaling kay Aries Zamora, tapos ‘yung ibang songs nanggaling ka Sir Elmer Blancaflor and ‘yung iba naman po manggagaling kay Sir Kedie Sanchez.

“Excited na po ako sa paglabas ng album ko, isang song na lang matatapos na.

“Alam ko po kasing mas maraming opportunities sa akin kapag lumabas na ‘yung album ko,” giit pa ni Rayantha.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …