Monday , December 23 2024

Esperon big brother sa Duterte admin

MAGSISILBING “Big Brother” sa administrasyon si National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., batay sa nilagdaang Executive Order No. 16 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa EO 16, inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng kagawaran, ahensiya ng gobyerno, kasama ang government-owned and controlled corporations (GOCCs) at lokal na pamahalaan, na sundin ang National Security Policy 2017-2022 sa pagbalangkas at implementasyon ng kanilang mga plano, at programa na may kaugnayan sa pambansang seguridad.

Si Esperon ang itinakdang mangunguna sa pagpapatupad at pag-monitor sa NSP 2017-2022, at binigyan ng kapangyarihan ng Pangulo na mag-isyu ng memoranda, circulars at iba pang kautusan upang isakatuparan ang naturang plano.

“All sectors of society are encouraged to participate in this national endeavor for the purpose of achieving a holistic approach in addressing national security issued and priorities,” ayon sa EO 16.

Ilan sa national security challenges na nakapaloob sa NSP 2017-2022, ang usapin ng illegal drugs, criminality, communist insurgency, secessionist movement Abu Sayyaf Group (ASG), transnational crimes, po-verty, graft and corruption, resource security (food, human Resources, Energy and Water) sa internal environment.

Habang sa external environment ay kasama ang mga usapin ng West Philippine Sea, global and regional geopolitical, global uncertainty and weapons of mass destruction.

Upang sumigla at umangat ang ekonomiya ay kasama sa tututukan ang isyu ng smuggling at counterfeiting activities.

“Treat food security, health security, energy security, water security and transport security as important national security priorities,” ayon sa NSP 2017-2022.

Tatlong milyong piso ang inisyal na budget na inilaan ni Duterte sa pagpapatupad ng EO 16, mula sa pondo ng Office of the President (OP), at sa susunod na mga pangangailang pinansiyal ay isasama sa budget proposal ng National Security Council (NSC).

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *