NALASOG ang katawan ng isang estudyanteng may apelyidong Sotto na hinihinalang lango sa marijuana, makaraan tumalon mula sa ika-20 palapag ng tinutuluyang condominium tower sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang biktimang si Nathan Wolfe Sotto, 21, residente sa Unit 2034 The Manila Residences Tower II sa Malate.
Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide section, dakong 2:05 am nang maganap ang insidente sa ika-20 palapag ng naturang condominium tower.
Napag-alaman, magkakasama ang biktima at kanyang roommates na sina Ching Ying Law at Seika Santos, at mga kaibigang sina Jericho James Evangelista at isang alyas Marko.
Naghahanda sila para matulog nang biglang mabalisa ang biktima at tumakbo palabas sa pintuan ng inuupahan nilang condominium unit.
Base sa kuha ng CCTV, bumuwelo pa ang biktima bago tumalon sa naturang gusali habang tinangka siyang pigilan ng kanyang mga kaibigan ngunit huli na dahil nakatakbo at umakyat sa service window si Sotto saka tulu-yang tumalon.
Patay agad ang biktima nang padapang bu-magsak sa canopy ng condo tower sa ikawalong pa-lapag, bunsod nang ma-tinding pinsala sa ulo at katawan.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng lango sa marijuana ang biktima, makaraan marekober ang ‘di pa matukoy na rami ng hinihinalang pinatuyong marijuana leaves at fruiting tops, at ilang pirasong drug paraphernalia sa kanilang kuwarto. (BRIAN GEM BILASANO)