Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Sisihin ang mga paring Katoliko

ANG Mahal na Araw ay kasing kahulugan ng pagdarasal.  Ito ang panahon ng pangungumpisal at panahon ng pagtitika.  At para lalong lumalim ang pananampalataya sa Diyos, panahon ito ng pagsisimba at paggunita sa paghihirap at sakripisyo ni Hesu Kristo.

Pero bakit kapag dumarating ang Mahal na Araw, kakaunti na lamang ang mga Katoliko na nagtutungo sa mga simbahan?  Bakit mas pinipili pa ngayon ng karamihan na magtungo na lang sa mga swimming pool at beach para magbakasyon at makapagpahinga.

Bakit binabalewala ng marami ang Mahal na Araw?

Simple lang naman ang kasagutan: Ito ay dahil na rin sa kagagawan ng mga paring Katoliko. Walang ibang dapat sisihin kundi ang mga pari na nagpabaya sa kanilang mga gawain sa kani-kanilang mga parokya.  Silang mga paring inabuso ang kanilang mga kapangyarihan para sila’y iwanan ng kanilang mga deboto.

Mukhang nakalimutan ng mga paring Katoliko na ipalaganap ang salita ng Diyos.  Ang sakripisyong ginawa ni Hesu Kristo para tubusin ang kasalanan ng sanlibutan ay halos hindi na rin naipalalaganap ng mga alagad ng Simbahang Katolika.

Sa halip, walang inatupag ang mga pari kundi ang mamolitika.  Ang makipagbangayan araw-araw sa mga politiko, at batikusin ang mga maling gawain ng mga namumuno sa gobyerno.

Laging may puna at komentaryo ang mga paring Katoliko sa araw-araw na gawain ng pamahalaan.

Lagi silang laman ng balita at parang nakikipag-unahan pa sa mga tiwaling politikong kadalasan ay naririnig sa radyo, napapanood sa telebisyon at nababasa sa diyaryo.

Tunay na masasabing ang mga pari ngayon ay nananahan sa Senado at Kongreso!

Nilimot na ng mga paring Katoliko ang kanilang debosyong palaganapin ang salita ng Diyos para sa pagpaparami ng mga tagasunod ni Hesu Kristo.

Maihahambing ang mga pari ngayon na mga pakawala ng kadiliman at tunay na kaaway ng Diyos.

At walang dapat sisihin kundi mismong ang Simbahang Katolika kung bakit kakaunti na lamang ang naniniwala sa Mahal na Araw.  Kagagawan ito ng mga pari kabilang na ang mga obispo na higit na pinahahalagahan ang usapin sa politika kaysa salita ng Diyos.

Ngayong Mahal na Araw, kailangang magsisi nang lubos ang mga obispo at paring Katoliko.

Malaki ang kanilang pananagutan sa mga mananampalataya na tuluyang tumalikod sa Simbahang Katolika.

Kung hindi magbabago ang mga tiwaling obispo at pari, tuluyang guguho ang pundasyon ng Katolisismo sa Filipinas.

Repent! Repent! Repent!

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *