SINABI ni Pokwang kay Angel Locsin noong magpalitan sila ng message sa Twitter account, na para sa kanya ito ang pinaka-the-best na gumanap sa role na Darna.
Kaya nanghihinayang siya na hindi na ito magagampanan ni Angel dahil sa injury nito sa spine.
Ang pagkakaalam namin ay idol ni Pokwang si Congw. Vilma Santos, na isa siyang Vilmanian. Gumanap din na Darna sa pelikula si Congw. Vilma. Pero bakit kaya niya nasabi na si Angel ang para sa kanya ang pinaka-the best sa mga gumanap na Darna?
Baka naman hindi niya na idol si ate Vi, hindi kaya? (Hindi nakasi puwedeng mag-Darna si Ate Vi, kaya nasabi iyon ni Pokwang—ED)
MA at PA – Rommel Placente