INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na magtayo ng mga estruktura sa mga inaangking teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea, bilang pagta-taguyod ng soberanya ng bansa.
Sa Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 ay maaaring magtungo si Pangulong Duterte sa Pag-asa Island upang itirik ang bandila ng Filipinas.
“There’s so many islands I think 9 or 10, lagyan ng structures and the Philippine flag. Sa coming independence day natin I might I may go to Pag-asa Island to raise the flag there pati ‘yung ano basta ‘yung bakante na ‘yung atin na tirahan na natin, mukhang agawan kasi ito ng isla e and whats ours now at least kunin na natin and make a strong point there that its ours,” aniya sa ambush interview sa Western Command sa Palawan kahapon.
Tiniyak ng Pangulo na bubuhusan niya ng pondo ang pagpapaganda at pagsasaayos ng Pag-asa airport bilang patunay na ang Filipinas ang may-ari ng isla.
Opisyal nang idineklara ng Pangulo na ang Filipinas ang may-ari ng Benham Rise na tatawaging Philippine Ridge.
“The money is there I don’t know how the army of the engineering battalion would do it but the development there has my full support, gagastos ako riyan sa fortification diyan. Because I want to include the benham rise on the right side of the Philippines in the Pacific. I will officialy claim it as ours and rename it hindi Benham Rise, I’ll call it the Philippine Ridge kasi parang ridge, continuous kasi ‘yung continental shelf sa baba so might call it ridge, it connects one to one ridge to another,” anang Pangulo.
(ROSE NOVENARIO)