Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

Motorcycle tandem sumalpok sa truck 1 patay, 1 sugatan

AGAD binawian ng buhay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas makaraan masagi at masalpok ng isang trailer truck nang mag-counterflow ang motorsiklo sa R-10, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPDTEU), dakong 8:30 pm nang maganap ang insidente sa R-10, malapit sa Jacinto St., Tondo.

Lulan ng motorsiklo ang magkapatid na sina Roel Gabotero, 36, at Ronaldo Gabotero, 32, nang mag-counterflow sila sa northbound lane sa naturang lugar.

Ngunit pagsapit sa harap ng Smokey Mountain ay nasagi ang motorsiklo ng kanang harapang bahagi ng isang trailer truck dahilan upang mawalan ng kontrol at nasalpok ng nasabing sasakyan.

Agad binawian ng buhay sa insidente si Roel habang sugatan si Ronaldo.

Samantala, imbes tulu-ngan ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang dri-ver ng truck na hindi naplakahan.

(BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …