Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

Trike driver tigbak sa resbak

HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang tricycle driver nang tadtarin ng saksak ng dalawang lalaki makaraan, suntukin ang bayaw ng isa sa kanila sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Angelo Sante, 34, residente ng Gate 46, Area B, Parola Compound, Binondo.

Ayon kay MPD Station 11 commander, Supt. Amante Daro, tinutugis ng mga pulis ang mga suspek na kinilalang sina alyas De Leon at James Bonifacio, residente ng nabanggit na lugar, makaraan ang insidente dakong 1:20 am.

Napag-alaman, kinompronta ng mga suspek ang biktima kung bakit sinuntok si alyas Gary na bayaw ni De Leon, na humantong sa kanilang pagtatalo.

Hanggang sa bumunot ng patalim si De Leon at i-nundayan ng saksak ang biktima.

Isinugod ang biktima sa Justice Jose Abad Santos Hospital ngunit hindi umabot nang buhay.

(BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …