Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

OWWA at POEA buwagin

MABUTING buwagin na lamang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung hindi rin lang ito nakatutulong sa paghihirap at pagsasamantala ng mga nagtatrabahong kababayan natin sa ibang bansa.

Ang OWWA at POEA, pawang mga ahensiya ng Department of Labor and Employment (DOLE), ay maituturing na inutil lalo sa usapin ng pagtulong sa mga overseas Filipino worker (OFW) na hanggang ngayon ay patuloy na kinakaharap ang mabibigat na problema sa ibang bansa lalo sa Middle East.

Pero sa kabila ng pagpapabaya ng OWWA at POEA, napakalaking halaga naman ng kontribusyon na ibinibigay ng OFW sa naghihingalong ekonomiya ng Filipinas.

Ibig sabihin, kung hindi sa remittances ng OFW baka bangkarote na ngayon ang ating ekonomiya. Nitong nakaraang taon lamang, uma-bot sa $26.9 bilyon ang perang ipinadala sa Filipinas ng mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa abroad.

Higit na mataas ito sa kontribusyon ng OFWs noong 2015 na umabot sa $25.6 bilyon. At kahit na pagsamahin ang pinagkukuhaan ng pera ng Filipinas, higit na mataas ang kontribusyon ng mga OFW. Nasa $7.9 bilyon lamang ang foreign direct investment habang $25 bilyon naman ang naiambag ng Business Processing Outsource.

Kaya nga, nasaan ang tulong ng OWWA at POEA sa problemang kinakahrap ng mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa? Bakit malaganap pa rin ang pagsasamantala sa ating mga kababayan, at bakit nangyayari ang mga kasong rape sa hanay ng mga kababaihang OFW?

Hanggang ngayon, parang normal na lang ang pagmamaltrato sa mga domestic helper sa Middle East. Malaganap pa rin ang panggugulpi, pagpatay at makahayop na trato ng mga Arabong amo sa mga kababaihang Pinoy.

Ano ang ginagawa ng OWWA at POEA? Tama ang plano ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na magbuo ng isang hiwalay na ahensiya na tututok direkta sa mga OFW at kanilang pamilya para kagyat na matugunan ang kanilang mga problema. Kung talagang inutil ang OWWA at POEA, dapat na suportahan ang planong ito ni Digong. Ang gagawing bagong ahensiya para sa OFW at mga naiwan nitong pamilya, ang tutugon sa pang-araw-araw na problema at pa-ngangailangan ng mga pinagsasamantalahang Pinoy sa ibang bansa.

Dapat ay matigil na ang mga pagsasamantalang ito sa mga OFW. At mag-uumpisa ‘yan sa pagbuwag ng OWWA at POEA dahil hindi natin kailangan ang walang silbing ahensiya na dapat ay tumutulong sa mga OFW.

Kalokohang sabihin na bagong bayani ang mga OFW kung sa kabila ng kanilang malaking ambag sa ating ekonomiya, ay nakararanas sila nang walang pangalawang kalupitan sa ibang bansa at bangkay na iniuuwi sa Filipinas.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *