Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Best of health kay Digong — Joma, Bong Go (B-day wish ng prof at alalay)

BEST of health.

Ito ang parehong hangad ng dalawang malapit sa puso at tunay na nakakakilala kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte nang ipagdiwang ang kanyang ika-72 kaarawan kahapon.

“I wish him the best of health so that he can serve the people as best as he can,” pagbati kahapon ni self-exiled Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison, sa kanyang dating estudyante sa Lyceum of the Philippines.

Dapat aniyang makapiling ni Duterte sa pagdiriwang ang kanyang pa-milya at mga kaibigan.

Habang sa kanyang Facebook account ay madamdamin ang pagbati sa Pangulo ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na aniya’y kahit Pangulo na ng Filipinas ay mas kursunada pa rin na tawagin siyang “Mayor.”

Naging gawi na aniya ng Pangulo na tahimik na ipagdiwang ang kaarawan at noong nakalipas na taon ay hinandugan niya ito ng DU30 T-shirt na personal na idinisenyo.

“My words came to fruition. Now as President, my boss still insists on being called ‘mayor.’ Since 1988, Mayor Rody spends his birthday by himself sans any celebration and away from the public eye. Last year, I handed a personally designed DU30 shirt for him when he spent his birthday somewhere in Luzon for a much needed respite from the ri-gors of the campaign. To my boss, my mayor, my President, best of health so you can continue ser-ving our countrymen until kingdom come. Happy Birthday!” ani Go.

Halos dalawang dekada nang naninilbihan si Go bilang special assistant ng Pangulo mula nang kongresista pa noong 1998.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …