BUREAU of Customs (BOC) Commissioner’s office is very active in checking and placing questionable shipments under alert to verify the content and value declared to ensure the customs can collect the rightful revenue.
Pero sa kabila ng kampanya nila laban sa mga gumagawa ng katiwalian sa customs ay may umiiral at nangyayari pa ring raket sa ilang shipment na napupunta sa maling section.
Ginagawa na ito sa nakaraang administras-yon at ngayon ay nag-umpisa na naman ang raket na ito.
Ang tawag sa raket na ito ay ‘patalon’ o mis-sectioning sa mga imported item.
Inilalagay o inililipat sa ibang section ng broker sa kakutsaba nilang customs kapalit ng big fee na nagbe-verify ng import documents supported by fake invoice & packing list para mapunta sa section na kasabwat nila sa pandaraya sa gobyerno.
Ito ay maling sistema na nangyayari sa ma-tagal na panahon na pandaraya na dapat imbestigahan ng bagong pamunuan ng customs.
Panagutin ang broker at hepe ng isang section sa panloloko sa ating gobyerno.
Ang masama pa, ipinatutupad raw muli ang bench marking scheme para maging uniform ang duties and taxes na ibinabayad na buwis sa isang kargamento.
Karamihan ng mga kargamento na ‘napata-lon’ ay mas mababa pa ang ibinabayad na duties and taxes sa napag-usapan na benchmarking (P30 thousand lang kada container)!?
Ang nakapagtataka kung paano ito nakalulusot sa sistemang ito lalo sa concerned district customs collector?
Magkano ‘este ano ba ang nangyayari mga bossing?!
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal