Tuesday , May 6 2025

‘Ginatasan’

SA kabila ng daan-daang milyong piso na ibinubuhos ng gobyerno sa Philippine Dairy Program, bukod pa sa tulong na natatanggap mula sa pamahalaan ng Amerika at New Zealand, ay hindi umano ito umaasenso.

Nang umupo si Manny Piñol bilang kalihim ng Department of Agriculture and Fisheries matapos magwagi si President Duterte ay noon niya natuklasan ang umiiral na katiwalian sa mga programa rito.

Kagulat-gulat sa mga programa ang isang transaksiyon na nabuo sa nakalipas na administrasyon na agad pinatigil at ipinakansela ni Piñol.

Ito ay kaugnay ng pagbili ng mga kambing mula US na umabot sa mahigit P160 milyon, na ang isang kambing ay nagkakahalaga nang tumataginting na P170,000.

Dahil sa eskandolosong presyo ay naitanong tuloy ni Piñol kung ang binibili ng gobyerno ay mga kambing na may ginintuang sungay.

Bukod dito, ang kalidad ng mga inaangkat na kambing para mapagbuti umano ang likas na pagbibigay ng gatas ng mga lokal na kambing ay mahina. Sa katunayan, marami sa kanila ay ginagamit lang daw para magatasan at hindi para makapagbigay ng magandang lahi.

Hindi rin malinaw ang programa sa pagkuha ng mga baka mula abroad.

Ang huling pag-angkat ng hindi bababa sa 300 Holstein dairy cattle ay napunta lang sa kamay ng isang pribadong rantsero at hindi sa mga magsasaka, dahil nabigo ang gobyerno na kilalanin ang mga tatanggap nito bago inangkat ang mga baka.

Aalisin ni Piñol sa programa ang “goat merchants” na bumibili lang ng kambing kung saan-saan at isinu-supply ito sa kagawaran.

Idineklara rin ni Piñol na aangkatin lang ng gobyerno ang pinakamahuhusay na materyales na pampalahi para sa pagpapabuti ng programa, kahit na siya pa mismo ang pumili ng mga aangkatin.

Tanging mga kambing at baka na may genetic records at rehistrado sa iginagalang na dairy associations ang kanilang bibilhin.

May malawak na kaalaman si Piñol sa naturang paksa dahil dati siyang nagpapalaki ng pinakamahuhusay na kambing sa bansa. Ang isa rito ay nanalo ng National Best Boer noong early 2000. Marami sa mga lahi na kanyang pinalaki ang nasa kamay na ng dairy goat breeders sa bansa.

Hindi man aktibo ay miyembro siya ng American Dairy Goat Association (ADGA), isa sa pinakamalaki at iginagalang na asosasyon ng goat farmers sa mundo.

Personal nating kaibigan si Piñol kaya batid natin na tutuparin niya ang pangako sa Pangulo na gagawin ang lahat para mawala ang korupsiyon sa kagawaran sa ilalim ng kanyang pamumuno.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPATni Mat Vicencio ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng …

Firing Line Robert Roque

Makaka-jackpot ba uli ang mga Pineda?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TULAD ng nangyari na sa Pasig City, pinatunayan ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *