NAROON kami sa Pradera Verde, Lubao Pampanga noong Linggo, na ginanap ang taping ng summer special ng gag show na Bubble Gang ng GMA 7.
Nakita namin doon ang batang anak na lalaki nina LJ Reyes at Paulo Avelino na si Aki. Isinama kasi ito ni Paolo Contis sa taping nila. Si Paolo ang boyfriend ngayon ni LJ.
Napansin namin na close na close si Paolo kay Ali. Maya’t maya kasi kung halikan at yakapin siya ng bagets. Itinuturing na siya nitong parang tunay na ama.
MA at PA – Rommel Placente