Saturday , November 16 2024

Druglords yumaman sa pobreng Pinoy (Kaya dapat lipulin pati galamay)

NAGPAYAMAN ang drug lords sa mga pobreng Filipino kaya dapat silang malipol, kasama ang lahat ng mga galamay upang makamit ang ganap na katahimikan, kapayapaan at kaunlaran sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Kaamulan Festival sa Malaybalay City, Bukidnon, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa, gagapiin niya ang druglords, uubusin hanggang sa huling araw ng kanyang termino sa 2022.

“If there is a drug lord who cooks the drugs but has no runner , then it’s useless. There’s always a runner, there’s always money,” anang Pangulo.

“There are vices. It’s like a monkey is clinging onto your back everytime you do drugs. Whenever you feel the need for drugs, it’s like a monkey is biting you and scratching your back. Now if you don’t kill this, if you don’t stop this, it will always look for a supply. So there will always be someone who’d be tempted to cook drugs,” aniya.

Hindi aniya makatuwiran ang bintang na mahihirap lang ang pina-patay sa drug war dahil ang mga anak mayaman nama’y hindi sangkot sa illegal drugs.

“They say, ‘Duterte killed all the poor.’ But I have never heard about the son of Lucio Tan or Gokongwei selling drugs,” sabi ng Pangulo.

Ikinuwento ng Pangulo ang masaklap na sinapit ng ilang overseas Filipino workers (OFWs) na nagpapakamatay sa pagtatrabaho sa ibang bansa upang bigyan nang maayos na buhay ang pamilya sa Filipinas ngunit pag-uwi sa bansa ay biktima ng rape o pinatay ng drug addict ang anak o kaya naging sugapa sa shabu.

Kaya ang tanong niya sa mga kritiko ay sino ang mananagot sa mga krimen na kagagawan ng drug addicts, sa mga naprehuwisyong inosenteng mamamayan?

Tiniyak ng Pangulo na hangga’t siya ang nakaupo sa Palasyo ay pa-patayin niya ang drug lords at wala siyang pakialam kung makulong siya dahil sa isinusulong na drug war.

“They (OFWs) work like animals just to send money to send their children to school. But when they get home, they find that their daughter was raped or killed. Nothing was borne out from their sweat. But the drug lords are the ones who gain from the poverty of the Filipinos. They earn money from that. Curse you. I will really kill you. For as long as you don’t stop, as long as I am president, I will really defeat you, whether you permit it or not. I don’t care if I get jailed. I am ready to face the consequences. And if I have to rot in hell, I will do it,” anang Pangulo.

Kaya naging talamak aniya ang krimen na kagagawan ng mga drug addict, pinabayaan at kinonsinti ng gobyernong Aquino ang operasyon ng illegal drugs.

Sa katunayan aniya ay si dating Justice Secretary at ngayo’y Leila de Lima ang nagbigay proteksiyon sa operasyon ng illegal drugs kaya’t sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino nauso ang narco-politics.

“I have no need for pushers and users. You know, users are really pushers. What sustains their vice are the people whom they infected with ad sold drugs to. That’s why the numbers climbed to 4 million,” anang Pa-ngulo.

Karaniwan aniya sa drug addicts ay mga baliw na kaya hindi naman mapananagot sa krimen na kanilang ginawa, gaya ng hold-up, rape, robbery, at iba pang karumal-dumal na krimen.

Walang balak magpatayo ng mga dagdag na bilangguan ang Pangulo dahil mas gusto niyang nagdurusa ang mga kri-minal sa siksikang selda.

Mas pabor ang Pa-ngulo na ang dagdagan ay mga sementeryo.

(ROSE NOVENARIO)

82% NG TAGA-METRO MANILA
PABOR SA DRUG WAR NI DUTERTE
— PALASYO

LUBOS ang pagtanggap ng mga mamamayan sa drug war ng administras-yon taliwas sa ipinipintang lagim at kawalang pag-asa ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kaugnay sa pinakahu-ling resulta ng Pulse Asia survey, na mahigit 8 sa sampu o 82 porsiyento ng mga residente ng Metro Manila ay nakaranas na mas ligtas sila ngayon sa mga lansangan, na resulta ng kampanya ng gob-yernong Duterte kontra-illegal drugs.

“We are pleased with the latest Pulse Asia survey showing that more than 8 out of 10 residents of Metro Manila now feel safer in the streets as a result of the government’s drive against illegal drugs.  The Administration’s drug war is well-received by the people on the ground in sharp contrast to the gloom and hopelessness depicted by the President’s critics,” ani Abella.

Ang paborableng sentimyento aniya ay nagpapasigla at nagpapalakas sa pagpupursige sa anti-drug campaign at umaasa ang Palasyo na ipagpapatuloy ang koo-perasyon sa mga pamayanan, at suporta maging ng mga taong Simbahan , lalo sa implementasyon ng rehabilitation program ng Tokhang surrenderers.

“This favorable public sentiment gives us strong impetus to surge ahead in our anti-drug campaign and hope that we continually get the cooperation of the community, and even support of the clergy, especially in the implementation of a rehabilitation program for Tokhang surrenderers,” dagdag ni Abella.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *