Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Barangay officials tutol sa plano ni Digong

MUKHANG mahihirapan si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang planong ipagpa-liban ang barangay elections sa Oktubre at  mag-appoint na lang ng mga barangay official.

Malinaw na kung gagawin ito ni Digong, si-sibakin niya ang lahat ng mga elected barangay official sa kani-kanilang puwesto para palitan ng kanyang mga appointee.

Sabi nga ni Interior Secretary Ismael Sueno, ”under the President’s plan, all barangay posts will be declared vacant in October, and persons not involved in drugs will be appointed in their place.”

Pangamba kasi ni Digong, kung matutuloy ang barangay election, posibleng maimpluwensiyahan ito ng mga sindikato sa droga sa paggamit ng drug money.

Base sa mismong datos ni Digong, umaabot sa 5,000 barangay chairman ang sangkot sa droga at malaking pera ang ‘lumalaro’ sa bawat barangay hinggil sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

Hindi rin mapapasubalian na ang pagkalat ng droga sa mga barangay ay dahil na rin mismo sa pagkakasangkot ng ilang mga kagawad at iba pang opisyal ng barangay.

Pero sa pag-ikot natin sa ilang barangay sa Quezon City, halos lahat ng mga nakausap natin ay hindi pabor sa planong ito ni Digong.

Sa barangay Tandang Sora, Quezon City, hindi pabor si Kagawad Cocoy Medina sa pla-nong ito ni Digong: “Kung magtatalaga ng bagong mga barangay officials, baka naman hawak lang nila sa leeg ang mga ito. Iba pa rin kasi ‘yung elected.

At isa pa, kilala na kami ng aming constituents na matinong nagsisilbi sa barangay.”

Sabi naman ni Kagawad Antonio Juan ng barangay Sangandaan: “Pabor ako kung ‘yan ang gusto ni Pangulong Digong! At kung para ito sa kabutihan ng taongbayan, lalo na sa aking constituents, dapat ay suportahan ang programa ng pangulo.”

Malupit ang binitiwang mga salita ni Kagawad Mario Untalan ng barangay Bago bantay: “Ituloy ang eleksiyon! Kung mag-appoint lang sila paano igagalang ng taongbayan kung wala silang mandate?”

Si Kagawad Raul Pascual naman ng barangay Vetarans Village:  “Dapat ituloy ang eleksi-yon! Baka naman malakas lang sila sa appointing authority? Unfair, dahil hindi naman sila ibi-noto ng taongbayan.”

Mas matapang ang pahayag ni Kagawad Eric Wong ng Barangay San Antonio sa Roosevelt: “Kung meron talagang sangkot sa droga, bakit hindi nila paghuhulihin? Bakit kaila-ngan ipagpapaliban ang eleksiyon?  Tiyak na hindi papayag ang mga constituents ko na basta na lang may ilalagay silang mga kagawad sa aming barangay.  Dapat may eleksiyon!”

O, kita n’yo na? Sa Quezon City pa lang ay mukhang hindi na papayagan ang pagpapaliban ng eleksiyon sa barangay lalo na ang pag-appoint sa mga opisyal nito.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *