HUMAHANAP ng paraan si Pangulong Rodrigo Duterte upang kanselahin ang barangay elections, at italaga na lamang niya ang mga opis-yal ng barangay sa buong bansa.
“We are looking for a way to appoint na lang the barangay captains but the mechanism of how to go about it, select them. Ako I can, but you know, it’s always the President who has the power to appoint,” anang Pangulo sa panayam sa paliparan mula sa pagbisita sa Myanmar at Thailand.
Malapit na aniya ang lokal na halalan, makapag-iimpluwensiya aniya ng mga botante ang opisyal ng mga barangay, na sangkot sa illegal drugs kaya hindi sila dapat ihalal.
Kapag nagkaroon aniya ng Barangay elections ay tiyak na babaha ng drug money, upang tiyakin na makauupo pa rin ang narco-politicians.
“Do not commit the mistake of calling for an elections now. Because narco-politics has entered into the mainstream of Philippine politics…” sabi ng Pangulo.
Imposible aniyang mapatay ang lahat ng narco-politicians bago ang 2019 elections, kaya mas makabubuti na italaga na lang ang barangay officials ng Palasyo.
Nakahanda si Pangulong Duterte na maki-pagkompromiso sa iba’t ibang sektor, maging sa Simbahan, at hilingin sa kanila na magrekomenda nang hanggang tatlong mamamayan na puwede niyang pagpipilian na ilu-luklok na barangay chairman.
Isasailalim aniya sa background check ng Phi-lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), pulis at militar kung walang koneksiyon sa mga rebelde, at drug syndicates bago niya italaga sa puwesto.
“But I’m going to a compromise with the Church and everybody. They can nominate three citizens from… Pagka magsabi ang PDEA pati ang pulis and the military that they have no connections with the rebels, that’s one. Second is that they are not into drugs, and third is that they are not really the leaders of politicians. If you can have that least, I would be happy to just coming from the Roman Catholic from the Islam group, the Jehovah Witnesses. It’s not actually interference in the preference of the character that should be there. Election e. Hindi naman ibig sabihin na nakikialam ‘yung simbahan. And the Lions or lahat, lista mo lang ‘yung accredited, they can nominate. So we can do away with shady character,” sabi ni Duterte.
Sa impormasyon sa Hataw, nag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nagtatayo ng chapter ang Kilusang Pagbabago na pinangangasiwaan ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr., at nami-mili na umano ng mga itatalagang barangay officials mula pa noong Enero.
Ang grupo ang kilusang masa na itinatag ni Evasco makaraan maluklok si Duterte sa Palasyo, na sinasabing halaw sa organisasyon ng maka-kaliwang grupo, na na-kabase sa mga pamayanan at multi-sektoral.
Si Evasco ang sinasabing ‘Little President’ sa administrasyong Duterte at kasama sa paggiya sa political career ng Pangulo mula noong alkalde pa siya sa Davao City.
(ROSE NOVENARIO)
BATAS SA POSTPONEMENT
NG BARANGAY, SK POLL
KAILANGAN — COMELEC
HINIMOK ni Comelec Chairman Andres Bautista ang Malacañang, na ibigay ang direktiba sa Kongreso para sa kaukulang batas para sa election postponement sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa 23 Oktubre 2017.
Ayon kay Bautista, verbal information pa lang ang hawak nila nga-yon kaya hindi pa nila masabi kung matutuloy o maipagpapaliban muli ang halalang pambarangay.
Hiling ni Bautista, maisabatas ang postponement nang mas maaga bago pa man makabili ng mga kagamitan ang Comelec para sa nakatakdang eleksiyon.
Walang reklamo ang poll body kung matutuloy o kahit muling sususpendihin ang halalan, ngunit kailangan may batas silang mapanghahawakan upang magawa nila ang angkop na mga hakbang.