BANGKOK,Thailand – Walang epekto sa diplomatikong relasyon ng Filipinas sa ibang bansa, ang naunang pagtatambol ni Vice President Leni Robredo, na laganap ang patayan sa bansa dahil sa isinusulong na drug war ng administrasyon.
Sa katunayan, ayon kay Acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, lalong naging matatag ang relasyon ng Filipinas sa lahat ng mga bansa, mula nang maluklok sa Palasyo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Lalo aniyang tumibay ang bilateral relationship ng Filipinas sa magkakasunod na pagbisita ni Pangulong Duterte sa Myanmar, at Thailand, ani Manalo, at sabik na sabik rin ang buong mundo sa pamumuno ng Filipinas sa 30th ASEAN Summit ngayong taon.
“Wala naman kaming na-ano. Our relations with all countries are still very good. In fact, I haven’t seen any change in that. In fact, dito na lang ‘yung visit ni Presidente dito sa Thailand and Myanmar, I think we have really strengthened our bilateral relationship. And I think all countries are eagerly awaiting our ASEAN chairmanship tsaka yung Summit. So I think our relations have never been better,” ani Manalo.
(ROSE NOVENARIO)