Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Igigiit ni Digong: Western world hands-off sa ASEAN

BANGKOK,Thailand – Ang 11 bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang dapat magpasya sa kapalaran ng rehiyon, at hindi mga taga-Kanlurang nasyon.

Ito ang igigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngayong chairman ang Filipinas sa 30th ASEAN Summit, at suportado ang kanyang paninindigan nina Aung Sun Suu Kyi, democracy leader ng Myanmar, at Prime Minister Prayut Chan-o-Cha.

“We both recognized the need to strengthen ASEAN centrality in the emerging regional architecture,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa joint press conference nila ng Thai Prime Minister.

Nauna rito’y sinabi kay Duterte ni Suu Kyi, ang napuna niyang pressure ng “Western world” sa mga bansa sa ASEAN sa ilang mga usapin, ga-yong hindi naman sila direktang apektado.

Para kay Suu Kyi, ang dapat manaig sa rehiyon ay kolektibong pagpapasya ng ASEAN, at hindi ang malalayong bansa.

Ani Duterte, ganap din ang suporta ng Thailand sa ASEAN chairmanship ng Filipinas, at ang pagsusumikap niya na maging mas “people-oriented” at “people-centered” ang asosasyon.

Sinabi ng Pangulo, kapwa nila binigyan-diin ni Chan-o-Cha ang pa-ngangailangan na mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon, kasama ang South China Sea.

Kinikilala aniya ng Filipinas at Thailand ang paggalang sa “freedom of navigation” at “overflight” sa South China Sea, at ito ay para sa interes ng lahat ng bansa sa loob at labas ng rehiyon.

Determinado aniya na tapusin ang Framework of the Code of Conduct ngayong taon para ganap at epektibong maipatupad ang Code of Conduct of Parties in the South China Sea.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …