Monday , December 23 2024

Drug war ni Digong ‘di kinontra ni Bishop

WALANG kontradiksiyon sa mga naging pahayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at Australian Foreign Minister Julie Bishop, kaugnay sa kanilang bilateral meeting, may pagkakaiba lang sa perspektiba.

Inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, produtikbo ang dialogo nina Duterte at Bishop noong 17 Marso sa Davao City, na tumuon sa mga posibleng pagkakasundo sa konstruktibong kooperasyon sa drug war, kaya’t hindi na ito ikinuwento pa sa publiko ng Punong Ehekutibo.

“There was no contradiction between the Australian official and the Philippine president, just a difference in perspective. Since they had a productive dialogue which emphasized possible areas of constructive cooperation on the war against illegal drugs, PRRD did not deem it sufficient to mention as having been discussed,” ani Abella.

Ginawa ng Palasyo ang paglilinaw makaraan mapaulat na pinasubalian ni Bishop ang sinabi ni Duterte, na hindi nila tinalakay ang isyu ng human rights, magalang ang Aussie foreign minister, at ang pinag-usapan lang nila’y hinggil sa transnational crimes at terrorism.

Giit ni Abella, sa pangkalahatan ay positibo ang bilateral meeting nina Duterte at Bishop, at binigyan-diin nila ang umuunlad na relasyong Filipinas-Australia.

“On the whole, the meeting was positive and just affirmed the growing Philippine-Australia relations,” ani Abella.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *