Sunday , December 22 2024

Mga kompanyang lumuray sa kalikasan

KINONDENA ni President Duterte ang mga kompanya ng minahan dahil sa pagluray na ginawa nila sa kalikasan sa ilang bahagi ng bansa.

Sa isang pulong balitaan ay inilabas ni Duterte ang kanyang galit, kasabay ng paggamit ng makukulay na salita na kanyang nakagawian, habang ipinakikita ang mga larawan ng nakawiwindang na epekto ng minahan sa lugar. Daig pa ang dinaanan ng bagyo.

Nawala ang mga puno sa kagubatan at pati mga isda sa tubig na naging kontaminado. Kinukuwestyon niya kung nasaan na ang yaman ng kalikasan na ipinagkaloob sa atin ng Panginoon. Saan kukuha ng makakain ang mahihirap?

Ito ang dahilan kung bakit naniniwala ang Pangulo sa ipinaglalaban ni Environment Secretary Gina Lopez. Pinag-iisipan tuloy ni Duterte na payagan si Lopez na magpatupad ng pagbabawal sa pagmimina sa buong bansa.

Hindi raw magiging pantay-pantay kung ang  maliliit  na  kababayan  natin na nagkaka-ingin o nagsusunog ng halamanan sa ilang bahagi ng kagubatan para sa bagong pananim ay hinuhuli samantala ang malalaking minero ay pinalulusot.

Papayagan naman daw ng Pangulo ang res-ponsableng pagmimina na pinoprotektahan ng mga kompanya ang kalikasan na nakapaligid sa kanilang pinagmiminahan.

Sa katunayan ay kinilala niya ang pagsisikap ng mga kompanya ng pagmimina na nagsasaayos at muling bumubuhay sa kapaligiran na kanilang ginagalawan.

Pero makabubuti umano na magkaroon muna ng total ban sa pagmimina at makausap niya nang masinsinan ang mga minero, nang kahit sila-sila lang o kaharap ang media, upang maipaliwanag sa kanya kung bakit nagkaganito ang ating mga kagubatan.

Bukod pa rito, ayon kay Duterte, may mga kompanya ng pagmimina na nagpopondo umano sa oposisyon para pabagsakin ang kanyang administrasyon.

Alam na raw ng Pangulo kung sino-sino ang gumagastos para matuloy ang naturang masamang balakin. Bahala na raw ang mga pulis at militar kung susuportahan nila ang mga pagtatangka laban sa kanya.

Kung totoong pinopondohan ng ilang kom-panya ng pagmimina ang pagpapabagsak sa administrasyon, patunay lang ito na desperado na sila at gustong mapalitan si Duterte ng ibang opisyal na kaya nilang diktahan at hawakan sa leeg.

Tama si Duterte na ang P70 bilyon na ini-aambag ng pagmimina sa kaban ng gobyerno ay hindi sapat kung ikokompara sa laki ng pinsala sa kapaligiran dahil sa kanila. Kapuri-puri na hindi siya kayang payukuin sa kagustuhan ng mga minero.

Hindi rin nagkamali ang Pangulo sa pagsuporta kay Lopez, na hindi kayang pasukuin ng industriya ng pagmimina. Naniniwala ang Firing Line sa kanyang ipinaglalaban. Protektahan natin ang Inang Kalikasan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *